Chapter Two II

8.6K 215 2
                                    

Para na akong baliw sa kakaikot dito sa kama ko. Kulang na lang, sapakin ko na ang sarili ko dahil sa kilig. Paano ba naman kasi, seryoso pala si Ethan sa sinabi niya. Akala ko, nagbibiro lang siya pero totoo palang liligawan niya ako.


FLASHBACK


"Diary? Nagdadiary ka pa?" bigla kong naisara ang diary ko nang biglang sumulpot si George sa gilid ko. Nabasa kaya niya?


"Cool kaya. Try mo." pabiro kong sabi dito.


"O sya! Mauuna na ako. 8:30 klase ko ngayon" nagulat ako nang seryoso niyang sinabi 'yun. Ano ba talagang nangyayari? Kanina pa siya ganyan.


Hindi pa man ako nagsasalita ay bigla na siyang tumalikod. Napailing na lang ako dahil doon.


"Anong time start mo ngayon bee ko?" bee? Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa nang malakas dahil sa sinabi niya.


"Anong bee ka dyan? Baliw ka na ba?" imbis na sagutin siya ay iyon pa ang isinagot ko. 


"Oo, baliw na baliw sayo. Eh diba sinabi ko naman sayo na seryoso ako?" hindi na siya mukhang nagbibiro. Seryoso na siyang nakatingin sa akin kaya hindi ko na alam ang isasagot ko.


"'Wag kang magbiro nang ganyan. Bahala ka, magmumukha kang katawa-tawa sa mga nakakarinig sa 'yo." 


"Katawa-tawa? Alam mo, kahit tawanan na ko ng buong mundo, ayos lang sa 'kin basta makuha ko lang ang matamis mong oo" 


Hindi ako makapagsalita dahil doon. Parang nalunok ko ang dila ko dahil mukha talaga siyang seryoso sa gagawin niya.


"Okay, ganto nalang. Kapag nahulaan ko ang time mo ngayon, papayag ka nang maligawan ko? Deal?" itinaas ko ang kilay ko para hamunin siya. Imposibleng malaman niya 'yun.


"Go."


"I bet it's eleven, right?" halos mapanganga ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman 'yun?


"Impossible." 


"Yes, it is possible! Just look on this schedule na nalaglag kanina habang may kausap ka sa cellphone" wala na akong nagawa dahil doon. Gosh! Bakit ba kasi pumayag pa ako sa bet na 'to? 


"Siguro, nagtataka ka kung seryoso ako sa 'yo. Yes, Xander. Seryosong seryoso ako. Actually, I really don't like anything about you. But I lovethe whole thing in you. Bata pa lang tayo noong nakilala kita and starting from that day, I found interesting things about you. Then, now that we've grown up, I already learned how to love and what love really is. No doubt, this is love. I love you, Xander and let me prove this to you." halos hindi ko kinaya ang pag-amin niyang 'yun. So, all this time, itinatago niya sa amin ang feelings niya? Kaya pala kahit na madaming nagkakagusto sa kanya, wala siyang pinopormahan miski isa.


"Ethan, bakla ako. Bata pa lang tayo, alam mo na 'yan. Hindi kita mabibigyan ng mga anak. Hindi tayo maikakasal dito sa Pilipinas. Ang daming bagay na hindi mo mararanasan sa akin Ethan. Hindi mo ba nakikita 'yun?" gusto kong maluha kasi sa totoo lang, gusto ko. Gusto kong maranasan na may taong magmamahal sa akin kahit ganito ako. Gusto kong maranasan kung paano ituring na reyna ng isang lalaki pero bakit ganoon? Bakit parang may humahadlang?


"Alam ko, Xander. Pero mahal kita. Ito yata yung bagay na hindi mo nakikita. Matagal ko nang pinapakita eh. Hindi mo lang pinapansin. Kung ito na ang sinasabi nilang pagiging bisexual, sige na. Bisexual na kung bisexual pero Xander, mahal kita." doon na tumulo ang luha ko. Sa buong buhay ko, hindi ko kailanman inisip na aabot sa puntong ganito. Hindi ko kailanman naisip na may tao pala talagang magmamahal sa akin.


END OF FLASHBACK


*Just give me a reason just a little bit enough* Gabing-gabi na para tumawag. Sino kaya 'to?


"Hello?"

Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon