Chapter 1

4.3K 76 5
                                    

RAVEN'S POV

"you freak! Stay away from me, nakita mo nang nagbabasa ako oh" kasalukuyan kong binabasa ang diary ni Xander. Wait, diary nga pala to. So dapat, sa kanya lang. Sinara ko ang diary at hinarap ang bestfriend ko

"oh? Anong kailangan mo? May pakiliti kiliti ka pa, akala mo naman nakakatuwa" nakanguso kong sabi

"Sorry naman best. Kanina pa kasi ako nagsasalita pero hindi mo ko pinapansin" nakita ko syang tumalikod

"Wag ka na nga mag-emote dyan. Sorry na oh, nagbabasa kasi ako eh" lumapit ako sa kanya at niyakap sya "ano ba kasing sinabi mo?"

"Ang sabi ko, nagkausap kami ni Rina kanina. She told me what she likes, her experiences and many more. Masaya pala syang kasama?" I looked at him seriously

"So ganun? Edi sya na, sya na lang bestfriend mo" nagtatampong sabi ko sa kanya

"Selos ka na nyan? Ahaha, ang cute mo pag nagseselos" pinisil nya ang pisngi ko "Pero eto, going back to the point. I think I like her"

"Talaga? Tao ka na" pabiro kong sabi kahit nasasaktan na ako. Oo, nasasaktan ako. Mahal ko sya eh, mahal ko si Jomar Lopez

"Baliw ka talaga kahit kelan Mr. Raven Flores" sinamaan ko sya ng tingin

"Miss Raven" pagtatama ko

"Ewan ko sayo. Mr. Flores" sabi nya at lumabas ulit. He never failed in making me smile. Yung tipong inaasar ka na pero masaya ka pa rin?

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa sala. Nakita ko si Jomar na nakikipaglaro sa younger sister ko

"Eh Kuya Jomar naman eh!!! Ganto nga kasi yung gagawing house, bakit you make it bigger?" naglalaro sila ng Lego ngayon at may pinapakitang picture si Aubrey kay Jomar

"Ay ganyan ba? Akala ko yung isa" natatawa ako habang kinakalas ni Jomar yung Lego pieces

"Sorry baby, wala kasi sa wisyo yan si Kuya Jomar ngayon. So if ever, hayaan mo na muna sya" sabi ko at tinignan ako ni Jomar na nagtataka

"Ay? Ano ba naman yan" sabi nya at niligpit na yung laruan nya

"And what was that Mr. Flores?" I gave him my death glare

"Isa pa" pagbabanta ko sa kanya

"Haaay" he sighed "mauna na ko Mr. Flores" sabi nya at tumakbong tumatawa

Humanda ka sakin bukas Mr. Lopez

Umakyat na ako sa kuwarto ko at ginawa ang project ko. Wala pang isang buwan project agad? Grabe naman kasi eh

Nagdrawing ako ng mukha ni Athena, Hera at Aphrodite. Eto yung sa Judgment of Paris. Bakit ba naman kasi Greek Mythology ang topic namin eh, hindi pa naman ako magaling dyan

Pagkatapos ng lay-out ay nagpaint naman ako para maging maayos ang presentation ko noon

"Kuya? Kakain na daw" kakain? Hinawi ko ang bintana ko at nakitang madilim na nga sa labas. Ginabi na pala ako

"Susunod ako" sabi ko at tinapos ko na agad ang pagpainting. Pagkatapos ko ay nagligpit na ako at bumaba na

"Oh Raven, nasaan ang bestfriend mo?" tanong ni Papa

"May project po kasi kami. Baka gumagawa na sya" kadalasan kasi ay dito kumakain si Jomar. Hiwalay ang mga magulang nya at nasa puder sya ng ama nya. Nagtatrabaho naman ang papa nya bilang pulis kaya bihira lang sila magkasama. Inalok ni mama ang papa ni Jomar na sa amin na lang sya kakain at pumayag naman ito

"Eh ikaw? Tapos ka na ba?" tanong ni mama sakin

"Ah opo"

"Hatiran mo na lang ng pagkain si Jomar pagkatapos mo" sabi ni papa at tumango ako

Pagkatapos ko kumain, naghanda na ako para kay Jomar at pumunta sa bahay nila

Agad akong kumatok at binuksan nya iyon

"Oh Joms" abot ko sa kanya. Tatalikod na sana ako pero bigla syang nagsalita

"Di ka na tutuloy?" tanong nya na tinutukoy ay ang pagpasok ko sa loob ng bahay nila

"Ah hindi na" sabi ko sa kanya

"Oh sige, good night. Babalik ko na lang to bukas" sabi nya at tumalikod na ako

Pagkarating ko sa bahay ay binuksan ko na ang computer ko. Nagtype ako sa Powerpoint

Raven's Diary

next page

June 12, 20**

Hi Techie Diary. I am Raven Flores, currently a fourth year highschool and this is my first entry:

Ngayong araw, masaya ako. Kagaya ng nakasanayan, tumambay si Jomar kanina dito. Sya ang bestfriend ko. May project din kami kaya ayun ang pinagtuunan ko ng pansin ngayon. Nakakapagod talaga maging estudyante no?

Raven

--

A/N: Start of the book 2. Pwede namang another story to pero I decided na dito nalang ilagay dahil I want to make this novel a series. Kaya ayun :)

-SyMole

Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon