Chapter 2

3.1K 63 3
                                    

RAVEN'S POV





"Eh teka, saan ka sasali? Sa Basketball o sa Badminton?" I gave him my death glare





"Isa pa Anton. Kukutusan na kita" sya si Anton Reyes. Pangalawa sa pinakamatalik kong kaibigang lalaki





"Joke lang eh. Anyway, after your badminton match, kung naglalaban pa sa basketball, I-cheer mo kami ni Joms ah?" request nya and I nodded





"Syempre naman. Ako yata ang captain ng cheering team" pagbibiro ko





"Cheering Team? Masyado tong feeler oh. President ka lang ng Dance Club no! At iba ang cheering team sa dance club" biglang singit ni Carmela. She is my girl bestfriend.





"And so? Di ko hinihingi paliwanag mo" kunwaring pagtataray ko





"Aba? Hoy Jomar, shut up" sabi nya na ikinalingon ni Jomar






"Nananahimik naman ako ah?" Inosenteng sabi ni Jomar





"Sorry, akala ko kasi ikaw yung maingay" natatawa ako sa itsura ni Carmela. Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag yun.





Next week na ang Intrams. And for sure, makakalaban nanaman namin yung section one. Matatalino lang naman yung section one namin eh, mga walang binatbat sa section two





Biglang pumasok yung P.E. teacher namin na may dalang box





"Kung nasanay na kayong kalaban ang section one, hindi na sila ang makakalaban nyo ngayon. Makakalaban nyo lang sila if ever na same numbers kayo ng nabunot. Okay, class president, bumunot ka na para sa intrams" tumayo ang class president namin at bumunot. Binasa nya yun at binalik sa teacher namin





"So you will be in batch 2. Currently, hindi pa nabubunot ang isang batch 2 so hindi pa natin kilala ang makakalaban nyo. I will allow you to take my period para makapagusap usap at magpractice para sa Intrams but take note! Dito lang kayo sa loob ng school magpapractice dahil delikado ang fourth year life" iniwan na kami ng teacher namin at nag-usap na kami





"12 persons for volleyball, 12 persons for basketball, 12 persons for soccer, 4 persons for badminton, 2 persons for table tennis, 4 persons for lawn tennis and 2 persons for swimming. So, sino ang 2 persons na lalaban sa swimming?" tanong ng president namin. As a vice president, tumayo na ako para tulungan sya





May tumayo na para sa girls division kaya boys na lang ang hinihintay





"Wesley! Diba magaling kang magswimming? Ikaw na lang satin" pagpipilit ko. Nagcheer na yung mga classmates ko kaya pumayag sya





"So we have Mitch and Wesley for swimming division. Sino naman ang 4 persons na lalaban sa lawn tennis? 2 boys and 2 girls" May dalawang lalaki at tatlong babae ang tumayo





"Okay. We have Tristan and Eric for male's division. Erica, Alliana and Bea, sa ivang division na lang ang isa sa inyo" sabi ng class president namin at nagtaas ng kamay si Bea





"Table tennis na lang ako" sabi nya at umupo





"Si Bea na nga ang isang player sa table tennis. So boys, sino sa inyo ang sasama sa table tennis?" tumayo si Alfred





"Okay, we already have players for table tennis. Lets proceed to badminton. Sino ang isang babae at isang lalaking dadagdag samin ni Raven?" natawa ako ng mahina. Napakaunfair talaga nitong babaeng to, bigla ba namang counted agad kami?





Buti naman at isang babae at isang lalaki lang ang tumayo





"Raven and Mark, Me and Ressy for the badminton's division. I know this will be hard but we need six boys and six girls for our soccer team. Who is willing to join?" may tumayo ng tatlong lalaki. They are really a soccer player. May sumunod na apat na babae, dalawang lalaki at sabay sabay na tumayo ang dalawang lalaki at isang babae





"Okay, you will be our soccer team. All girls na naiwan, kayo nang bahala sa volleyball. The same with you guys. Okay, lawn tennis, soccer team, and table tennis, proceed now to the lawn. Badminton players, lets go to the covered court at the right side of the lawn. Volleyball and basketball team, all of you should proceed at the gymnasium one and two" sabi ng president namin at nag-alisan na kami





Sino kayang makakalaban namin ngayon? Last year was a close fight between section one and two in this division.





"Sino naman kaya ang makakalaban natin ngayon?" pareho lang pala kami ng naiisip ni Venice





"I have this feeling na mas lumakas sila ngayon especially Tyrone is now section one" sabi ni Ressy. She's right. Kakampi namin si Tyrone last year pero ngayon, it seems like we are fighting with each other. Eto ang mahirap sa pagiging estudyante, you don't know when is the time na ang kakampi mo ay makakalaban mo na rin.






"Tiwala lang. Ayun naman ang sabi ni Tyrone last year right? Magtiwala lang tayo sa isa't isa, kaya natin to" sabi ni Venice






"Tara na, practice na tayo" sabi ni Mark at nagboys vs. girls kami





--





"Go Joms! Go Anton!" alam nyo yung mukhang tangang magchecheer sa magkabilang team? Ako yun eh. Nag 6 vs. 6 yung boys namin at magkaibang team yung dalawa




"So flirt. Hindi nya alam kung sino ang ichecheer nya sa dalawang team dahil magkaibang team yung mga kinababaliwan nya" may ibang section din dito dahil recess break na namin





"Yeah right. It's obvious na nagkakandarapa sya kay Jomar and Anton. Ew!" ako ba tinutukoy nila?





"Uhmm, excuse me, ako ba tinutukoy nyo?"





"Well, obviously. Bakit, natatamaan ka? How pathetic" sabi nung isang babae





"To tell you honestly, I'm not their admirer. I AM THEIR BESTFRIEND so whatever you say, wala kang magagawa"





"Bestfriend ka lang pala pero kung makasupport ka akala mo asawa ka na"





"It's a friend thing. A bestfriend thing. Kung totoong kaibigan ka, you will support your friend. But then, look at you. Siguro hindi kayo kagaya ko dahil halatang mga manika kayo. Plastic na nga, kolorado pa mukha. At sa hitsura natin, sinong mas mukhang nagkakandarapa? Fyi! Section namin to, and you're not supposed to be here"





"Hah! Sino kaya? At least kami, normal lang samin yun, kasi BABAE KAMI. Eh ikaw? Such a pathetic girl"





"At least ako, kahit bakla ako, MAGANDA AKO! Eh ikaw? Kayo? Maganda ba kayo?"





"Oo, kung ikukumpara sayo?"





"Well then, bakit hindi ko nakikita kagandahan nyo?"





"Baka bulag ka?"





"HEY! Stop!" napalingon kami sa sumigaw. Nakatingin na pala samin lahat. Hindi ko lang napansin





Lumapit na samin sina Joms, Anton and the rest of the basketball team





"Anong nangyayari dito?" tanong sakin ni Anton





"Eh kasi yang mga manikang plastic na yan! Yan, ang kakapal ng mukhang magbulungan eh rinig naman" inirapan ko yung dalawang malalanding bwiset na yan





"Tama naman kami hindi ba? Nagkakandarapa ka sa dalawang lalaking yan. Ayan oh, si Jomar at si Anton"






"Siguro LOWEST section kayo? Ang tatanga nyo kasi eh. BESTFRIEND. Di nyo ba maintindihan yun? Mga bobita" sasabunutan dapat ako nung dalawang babaeng malalanding yun pero pinigilan kami ng basketball team





*Pak*





"Ayan! Kanina pa ko nagpipigil sa inyo. How dare you? Sinira nyo pa yung practice namin. Tara na guys" nanlaki ang mata ko kay Venice. Woah





Nag-alisan na ang mga kaklase ko which leaves Anton, Jomar, ako at yung dalawang manika





"Serves you right. See you next time pok squared bitches" sabi ko at hinila na rin sila Anton





"Ugh!" I smirked after hearing them






--





Binuksan ko na yung powerpoint at nilagay ang entry ko





June 13, 20**

Dear Diary,

Exciting day I have today. May nakasagutan akong mga manikang feeling maganda, hindi naman. Akala nila mananalo sila sa isang Raven? Hah!

After that incident, hindi na ko hiniwalayannng mga bestfriends ko. Pag mainit kasi ulo ko, lahat ng mga kakausap sakin eh binabara ko kaya sila nalang ang kumakausap dun.

Thankful ako for having my bestfriends with me

Raven






--


a/n: Nadama ko yung intense feeling habang nagatype dun sa away nila xD

-SyMole

Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon