Chapter 6

1.8K 51 1
                                    

Ilang araw na niya akong hindi pinapansin. Aaminin ko, masakit. Sobra. Lalo pa nung nalaman kong naging sila nung kaibigan kong bakla.

Nandito naman ako eh, ooo na sana ako pero hindi ako binigyan ng chance

So now tell me, Is it really my fault? O sa kanya kasi he didn't listen?

Palakad lakad ako sa labas ng pinto ng room bago maisipang pumasok sa loob

Wala pa pala siya 

Umupo na ako sa upuan ko which is sa tabi niya

Haaaaay

Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok na siya sa room kasama yung kaibigan ko na KA-IBIGAN niya

"Hi" bati sa akin ni Mavy, ang kaibigan ko. 

Nginitian ko na lang siya pabalik at umupo na sila sa kanya kanyang upuan

"Sabi ni mama, pumunta ka daw bukas sa bahay" cold niyang sabi na ikinataka ko. Mama? Eh diba nasa side siya ng papa niya?

"Mama?"

"Oo"

Ni hindi siya tumingin sa akin

Wala talaga, eto na talaga ang destiny namin. Hanggang snobban na lang pala kami

--

"Oh anak? Bakit nandito ka pa? Diba sabi mo kanina alas-sais ka pupunta? 5:30 na oh" napabangon ako sa kama ko at nasapo ang noo ko

"Ano ba naman yan Raven!!!" sigaw ko at kumilos na

Nagmadali ako at pumunta na ako sa bahay nila

Nung una, nag-alinlangan pa ako kung kakatok ako o hindi pero ngayon, kumatok na ako. 

May babaeng nagbukas and I guess, eto na yung mama niya

"Oh iho? Ikaw ba yung bestfriend ng anak ko?" tanong sakin nung mama niya

"Mmm, o-"

"oo, siya nga" biglang sulpot ni Jomar

"Nice to meet you iho, halika, pasok ka" sabi ng mama niya kaya pumasok ako

Ano kayang meron ngayon? Ang daming tao ah?

Lumingon lingon ako hanggang sa mabasa ko yung nasa cake. Josefa ang nakalagay so meaning, birthday ng mama niya

Kumain kami at pagkatapos, naglakad ako papunta sa may garden nila

Nakita kong nakaupo si Jomar dun kaya nilapitan ko siya

"ahh, hi best"

"hello" still, cold pa rin siya

nanahimik ako at nakaupo lang sa ground. I tried watching stars pero nahuli kong doon din siya nakatingin

"Alam mo ba, may nalaman ako" napatingin ako sa kanya after him saying that

"Ano yun?"

"You loved me"

Namula ako sa hiya at kaba

"Mahal mo naman pala ako, bakit hindi ka pumayag?" sa sinabi niyang yun, bigla akong nag-init

"Hinayaan mo ba akong sumagot? Hindi naman diba? Actually, sasagot na dapat ako eh, pero bigla kang tumakbo" I faked a laugh "Tsaka buti naman pala na hindi ako sumagot, kasi if ever? Magiging rebound mo lang ako" sabi ko at tumakbo na paalis

 ----------------------------------------

A/N: Namili ako ng reader na dededicatan ko neto. Hi :) salamat sa pagbabasa <3

Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon