Chapter One [EDITED]

27.3K 406 4
                                    

Dear Diary,

Ang saya ng umaga ko dahil sa isang gwapong nilalang. Pero bakit ganun? Bakit bigla akong lumungkot nang malaman kong wala pa pala yung anak nila Mrs. Tolentino?

-Xander

--

XANDER'S POV

Hi, ako si Xander - a typical teen-ager na mahilig magbasa ng Wattpad. Siguro, dahil na rin yun sa comfort na nararamdaman ko whenever I am in that site. Narerelease ko yung tension ko as well as I could express myself to others.

Sa ngayon, nasa tapat ako ng laptop ko at naka-online sa twitter. Habang nagi-scroll ako ng mga tweets, nagkaroon ako bigla ng notification from a guy na hindi ko kilala which I find strange. Syempre, iba yun eh. Paano niya ako nahanap yung twitter ko nang ganun ganun na lang 'di ba?

@kierokieropi 

@xanderella hi Xander, Kier nga pala. Can we become friends?

Naisipan kong bisitahin ang profile niya. I stalked his tweets and looked at his icon. 

Poser kaya siya? Pero hindi naman siya mukhang artista eh. Bakit ang gwapo niya? Totoo bang lahat ng 'to?

Sinubukan ko siyang i-follow back at pagkatapos ay nagreply na ako sa tweet niya kanina.

@xanderella 

@kierokieropi sure, why not??? haha

Hindi na siya nagreply kaya't nag-offline na ako at nag-online naman sa Facebook. Mayroon akong tig-iisang friend request, message at notification. Una kong binuksan ang friend request ko at nakitang siya ulit ito.

Kier Brandon Tolentino

accept || not now

 In-accept ko siya bago tinignan ang message ko. Baka importante iyon at related sa school works kaya hindi ako nag-iiwan ng mensaheng hindi nabubuksan dito.

Nakita kong galing ito kay Kier at binuksan ko na kaagad.

Hi. Nakalagay kasi sa twitter yung fb account mo. Haha. Sorry pala kung di na ako nagreply sa twitter, broadcast pala yun eh. So dito nalang. Salamat kasi pumayag kang maging kaibigan ko. Wala kasi akong kaibigan, isa lang.

Lalo naman akong nagtaka sa sinabi niya. Paano naman nangyaring wala siyang kaibigan? At bakit parang bago pa lang siya sa Twitter? Ang daming bagay ang nakakagulo sa akin ngunit pinili ko na lang na huwag bigyan ng pansin dahil alam kong ako lang naman ang mamomroblema tungkol doon.

Ano ka ba! Wala yun! Bat naman ako tatanggi sa friendship? Hahaha.

Diary ng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon