Gaano Kadali ang Matematika?

1.8K 8 2
                                    




Gaano Kadali ang Matematika?


Algebraic expressions, formulas, equations, volumes, pagkuha ng percentage, substitutions, fraction, convertion, measurements, Cartesian Plane, Graphs at iba pa. Iyan ang malalawak na bahagi ng Matematika. Sa dami ng equations na kailangang memoryahin, sa dami ng x na kailangang i-substitute at sa dami ng unsolved problem sa Trigonometry ay may isang malaking tanong na: Gaano Kadali ang Matematika?

"Ang hirap.", "Hindi ko gets." "Paano ba 'to?" "Bakit nagka-x doon?" "Pakopya na nga lang." Iyan ang ilan sa iyong maririnig sa isang silid-aralan tuwing oras na ng Matematika. Maraming napapakamot sa ulo at nakakakuha ng dalawang palakol sa hindi malamang kadahilanan. Mahirap daw, masyadong maraming fomula, ang laki n'ong nmber, nasira ang calculator, absent ang katabi. Iyan kalimitan ang mga excuses ng estudyante sa tuwing wala silang maisagot sa written tests. Halos dumikit naman ang chalk sa kamay sa tuwing papasagutin sa pisara at halos umurong na ang dila sa pagsagot tuwing recitations. Bakit kasi kailangang eksakto ang sagot ng Matematika? At bakit laging pinapahanap ng Algebra ang kan'yang X? Bakit kinakailangang i-solve ang mga word problems na wala namang katotohanan? Minsan pang may nagtanong, "Maisusukli kaya ang 2x squared?"

Napapasapo na lamang sa ulo ang mga guro sa tuwing hindi maintindihan ng klase ang kanilang itinuturo. Ngunit nasaan nga ba talaga ang problema kung bakit ang daming hindi naiintindihan ang mga ito? Ang estudyante ba? Ang mga titser? Ang mga word problems na produkto lamang ng imahinasyon o dahil sa walang kamatayang paghahanap sa x? Walang may problema. Ang tinatawag nating "mind set" ang mayroon dahil sa tuwing maririnig natin ang salitang "Matematika", awtomatikong kakabit nito ang salitang "Mahirap." Kaya naman totoong ito'y nagiging mahirap. "It's all in the mind" Ika nga. Kung nahihirapan ka sa Math, isipin mo na kung may ilang daang eksplanasyon kung bakit ito naging mahirap, siguradong mayroon ding rason kung bakit ito naging madali at ang tunay na dahilan kung bakit ito naging madali? Ikaw na ang tumuklas.


Author's Note: 


Hello. Matagal din akong hindi nag-update dito! Yes! Tapos na ang DSPC 2015 noong October! Although hindi ako napasama sa Lucky 7 Feature Writers na darayo sa Cavite upang lumaban ng RSPC, nakaka-proud pa rin kasi over 140 newspapers, pumasok sa top 20 ang Luntiang Papel. Shoutout sa mga staffers ng LP! Nakaka-proud! Biyaheng Cavite ang dyaryo natin! Clap, clap, clap! Champion! 


Oo nga pala. Nakalimutan ko. Hindi pa rin ako titigil sa paglikha ng Feature Articles. Maaaring makatulong ang mga artikulo kong ito sa mga baguhang manunulat ng Lathalain upang magkaroon sila ng ideya kung paano nga ba gumawa. 


:D 


-Writerinthedark 


Feature ArticlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon