Dakilang Hari ng Tayabas

1.2K 3 0
                                    


Dakilang Hari ng Tayabas


Tahimik at payapang namumuhay ang mga sinaunang Pilipino sa mga grupo ng islang tinaguriang Perlas ng Silangan nang hindi inaasahanang maligaw at dumating ang mga kutis labanos na mananakop. Naging kabalintuaan ang dating mapayapa at maliagaya nilang pamumuhay. Tila mga ibong ikinulong sa isang hawlang hindi kayang buksan ng sinuman. Ninakaw ng mga puting panginoon ang likas na yaman ng mga katutubo. Binago ang mga paniniwala, kultura pati na rin ang kinagisnang pananampalataya. Sa loob ng tatlong daan tatlumpu at tatlong taon, Kaya naman sa loob ng tatllong daan tatlumpu't tatlong taong pananakop ng mga kanluranin, maraming buhay ang inutas, buhay ng mga Pilipino mahirap man o mga Ilustrado na mulat sa katotohanan sa ginawang labis pang-aabusoat pagsasamantala ng mga Espanyol ang buong tapang na lumaban at nag-aklas para makamtan ang minimithing kalayaan. Sa kasalukuyang panahon, ang kanilang mga pangalan ay malinaw na nakikita sa mga pahina ng kasaysayan—Rizal, Bonifacio, Mabini, Luna, Aguinaldo at mga paring GOMBURZA ang ilan lamang sa mga ito. Ngunit may isang dakilang nilalang ang nag alay at nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Isang taong marapat lamang ipagmalaki hindi lamang ng mga taga Quezon kundi maging lahat ng mamamayang Pilipino. Ang bayani ng Lalawigan ng Tayabas—si Apolinario Dela Cruz na mas kilala sa ngalang Hermano Pule.

Brutal at kahabag-habag ang ginawang pagpaslang sa kan'ya ng mga malulupit na Espanyol. Matapos mahatulan ng kamatayan sa Casa Comunidad, siya'y binitay sa pamamagitan ng pagbaril. Ang mga malalakas na alingawngaw ng putok mula sa mga baril at mga punglong tumagos sa kan'yang kalamnan ay kumitil sa kan'yang hiram na buhay mula sa Maykapal. Mataposang nakahihindik na pangyayaring iyon, walang awang pinaghiwa-hiwalay ang ibat ibang parte ng kan'yang katawan na tila karne ng hayop at itinapong animo'y basura sa iba't-ibang bahagi ng Tayabas. Hindi pa doon natapos ang karumal-dumal na pagpatay kay Pule. Ang kan'yang pugot na ulo ay ibinitin pa sa mismong harap ng kan'yang pamamahay. Ang malaking katanungan: Bakit kahindik hindik ang naging katapusan ng relihiyosong indiong ito upang mauwi sa ganito ang kan'yang kawakasan?

Si Apolinario, sa edad na kinse, ay sobra ang pagiging malapit sa Diyos kaya naman ninais nito na maging isang pari. Ngunit dahil hindi pinapayagan ng mga panahong iyon na ang isang Indio ay maging alagad ng simbahan, hindi natuloy ang banal na layunin ng pobreng Tayabasin.

Dahil na sa lalim ng pananampalataya ni Pule sa Poong Maykapal, nagtatag siya ng isang samahan, ang Cofradia De San Jose na kinabibilangan lamang ng mga Pilipino at walang sinumang Espanyol ang kalahok dito. Ang organisasyong ito ay naglalayaong isabuhay ng mga Pilipino ang mga kagandahang asal ng mga Kristyano.

Ang ginawang aksyong ni Hermano Pule ay hindi ikinatuwa ng mga dahil sa kanilang makikitid at malalamok na mga utak ay napagtanto nilang malaking banta sa kanila ang samahang itinatag. Para sa mga malulupit na paring Kastila, ang ginawa ni Pule ay isang uri ng pag-aaklas. Maraming pagkakataong s'ya ay kumatok sa puso ng mga prayle na bigyan ng tsansa ang Cofradia subalit ang resulta ay pawang kabiguan. Sa halip na pakinggan ang kanyang mga samo ay kung anu-anong mga walang basehang paratang ang ibinato sa kan'ya. Lubhang malupit at makasarili ang mga prayle sa mga Pilipinong kagaya ni Pule. Ang gusto lamang naman niya ay makapaglingkod sa Diyos at isabuhay ang kagandahang asal ng pagiging Kristyano ngunit patuloy itong hinadlangan ng mga prayleng mga alagad ng Amang Satanas.

Ang kan'yang makabuluhang paglilingkod sa Diyos ay tinuldukan ng mga dayuhan sa paraang karumal dumal na pagkitil sa buhay nya, brutal at walang awa. Higit pa sa garrote at bitay. Dahilan sa kanyang nakapanlulumong kinahinatnan, nagsilbi itong mitsa upang mag alab ang damdamin ng mga Tayabasin at mga kanugnog lalawigan upang sila ay mamulat at lumaban sa mga lahing mapang api. Nagsilbing inspirasyon ang mga aksyon ni Hermano Pule upang mas lalo pang mag-aklas ang mga Pilipino upang makawala sa mga Espanyol—katulad ng mga ibong walang tigil sa pag asang muling papagaspas nang malaya ang kanilang mga pakpak sa mga alapaap at bughaw na kalangitan.

Sana'y hindi malimutan at mawaglit sa isipan ng mga kabataan, lalo't higit ng mga Quezonian ang mga kabayanihan at kadakilaang nagawa ni Hermano Pule upang makawala sa pagdurusa at pagsasamantala ng mga dayuhan. Nawa ay huwag mauwi sa wala ang kanyang mga ipinaglaban. Maging instrumento tayong mga kabataang Quezonian upang ang kanyang nagawang kabuitihan at kabayanihan ay lalong palaganapin sa lahat ng bahagi ng kapuluan. Ipamulat sa kasalukuyang henerasyon at sa mga darating pang salinlahi ang mga prinsipyo at paniniwala ng dakilang Aplonario Dela Cruz. Pag aralan, pamarisan at isa buhay ang ipinaglaban ating kababayang si Hermano Pule,Isang magiting na bayaning Quezonian! Dakilang Hari ng Tayabas! 

Feature ArticlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon