Paano Tumakas sa Realidad?
Pinapangarap mo bang makakilala nang mga taong katulad nina Cross Sandford, Rozen Elizalde, Wade Rivas at Sync Mnemosyne? O 'di naman kaya ay mga dilag na katulad ni Reina Elizalde, Momoxhien Clarkson at Eya Rodriguez? Gusto mo bang magkaroon ng isang perpektong love story at higit sa lahat, isa ka ba sa libu-libong tao na gustong takasan ang realidad? Isa lamang ang paraan upang iyong maisakatuparan ang mga gusto mo. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Halina't tuklasin ang Wattpad and let's start reading.
A escape of reality ika nga nang nakararami. Halos lahat ng kabataan sa kasalukuyang henerasyon ay kilalang-kilala ang Wattpad dahil sa mga hindi mabilang na istoryang pwedeng basahin dito at isa na nga ang Diary Ng Panget ni Denny na ngayon ay makikita na sa iba't-ibang bookstores at mayroon ng sariling pelikula. Marami ang taong ginugugol ang oras sa website na ito upang magbasa. Ang sabi pa nga ng ilan, isa itong alternatibong paraan upang mahimok ang mga kabataan na magbasa at magsulat lalo na't pwedeng-pwede silang lumikha ng sariling nobela kahit na wala ka pang gaanong karanasan sa pagsusulat.
Bukod pa doon, napakarami ring genre ang pwedeng pamilian. Nand'yan ang romance na gustong-gusto ng nakararami. Isa pa ay ang horror at mystery genre kung ang kagustuhan ng isang tao ay matakot at panindigan ng balahibo habang nagbabasa. Isa pang halimbawa ay ang fantasy. Ito'y click sa mga indibidwal na mayroong kakaibang depinisyon ng katotohanan. Kung dati-rati ay isa lamang itong website na puro nobela at maiikling kwento, ngayon ay pugad na rin ito ng mga naglipanang paligsahan sa pagsusulat. Ang Wattpad sa kasalukuyan ay tulay na rin para sa malalaking oportunidad dahil nabibigyang-tsansa nito ang mga inspiradong manunulat na makitang isinasalibro ang kanilang mga akda.
Sa panahon natin ngayon, hindi na lamang sa mga babae nag-c-click ang website na ito. Pati mga kalalakihan ay na-e-engganyo na ring gumawa ng nobela at magbasa. Marami na rin ang nabigyan ng tsansa ng mga malalaking publishing companies upang maisalibro ang kanilang mga itinatanging nobela katulad na lamang nina Francis Herrera ng Diary ng Hindi Malandi (Slight lang!), Misterdisguise ng Red Ribbon, Soju Oppa ng School Trip at Josh Argonza ng Bloody Crayons. Ngunit isa sa problema ng mga tinatawag na Male Wattpad Writers ay ang diskriminasyon sa kanila. Iniisip kasi ng karamihan na sila ay kabilang sa tinatawag nating third gender. Nagdududa ang ilan sapagkat iniisip ng ibang tao na ang Wattpad ay para lamang sa mga babae. Ganoon pa man, hindi pa rin tumitigil ang ilang kalalakihan sa paggamit nito. Ang ginagawa na lamang nila ay ang magtaingang-kawali at mag-pokus sa paglikha ng kakaibang akda upang makamit ang pangarap na maisalibro balang araw ang nobelang dugo't-pawis ang inialay upang maging disente at maayos.
Tunay nga na marami ang gustong tumakas sa realidad at isa na ditong patunay ang Wattpad. Ang ilan ay nagbabasa at ang iba ay naimpulwensyahang tunay na dahilan para magsimula silang magsulat ng kani-kanilang mga akda. Kaya ikaw, kung gusto mong makilala ang mga animo'y perpektong mga tao at magkaroon kahit saglit ng isang perpektong istorya. Mag-login lang sa Wattpad at simulan na ang pagbabasa!
qؼ�Zp5?
BINABASA MO ANG
Feature Articles
De TodoBecause Division School's Press Conference 2015 is near, I decided to create this one. This will be my collections of Feature Articles regarding the latest news and trends. Enjoy everyone! NOTE: Plagiarism is a crime, honey. ;) COMPLETED