Our 10th featured author is someone whose writing tips inspired me to keep going with the ministry of reaching out for Jesus through my stories. Her story has always been in the hotlist of stories in the spiritual category. Read on and be inspired.
*should you need translation, do let me know.
Username: Galatians2_20Started Writing in Wattpad since: 2 years ago.
Number of Works Published: 1 (Tatlo dati, binura ko na noong naging kristiyano)
Location: Silang, Cavite, Philippines
Favorite Wattpad Author/s: Pilosopotasya and Mansanas chan
My Life Quote: "I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me." Galatians 2:20
I usually get inspiration from: Gospel music, Bible, the people around me, experiences and then habang nasa biyahe. Nakakakuha ako ng ideas kapag nasa umaandar na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit.
I write best during: Anytime of the day. Mapa-umaga o gabi. Basta nabigyan ako ng chance na magsulat at tinawag ni God, nagsusulat ako. I write every tuesday to friday night. Kahit paunti-unti, kahit one paragraph lang sinusulat ko. Hindi ako naniniwala na hihintayin mo ang tamang oras para makapagsulat ka. Walang ganoon. Ikaw mismo ang gagawa ng oras at panahon. Kahit wala ka sa mood, kahit may problema ka, kung gusto mo talagang gumalaw ang sinusulat mo, ikaw mismo gagalaw ka. Maglalaan ka ng oras at atensyon at hihiwalay mo ang sarili mo sa kwento.
My writing style is: A writer once told me na nostalgic/whimsical ang narration ko. Siguro iyon na nga rin iyon. Wala akong specific genre na tina-target. Limitless ang Protagonist ng kwento ko kaya kino-consider kong limitless din ang writing style ko.
For those who would like to start writing, my message is:
Nasa Elementary ako noong una kong pangarapin na maging writer. Nasa high school ako noong una akong makapagsulat ng kwento. Nag-umpisa sa notebook. Napagod ang kamay. Lumipat sa typewriter. 'Yung isang notebook na de-spring tinatanggal ko ang mga pahina niyon tapos pinapadaan ko sa typewriter, ayun, bongga! May typewritten story na ko na pinagtitripan ng mga kaklase ko. Doon din ako nahasa na bumilis mag-type.
Kalat-kalat, madaming loopholes at paiba-iba ang characteristics ng mga bida. Ganyan ang laman ng mga unang kwento ko. Ganoon naman sa una. Wala namang manunulat na sa unang sabak palang sa pagkukwento, mahusay na agad. Skills ang writing. At ang skills nahahasa iyan, napapag-aralan at nai-improve. Kaya kung nag-uumpisa ka palang, huwag mong pressure-in ang sarili mong maging magaling. Ang pagiging magaling nangyayari kung nanaisin mong mas maging magaling sa mga naunang akda mo. Magsulat ka lang.
Writing tips:
Study, Research and write, write, write!
Study kung paano magsulat. Pag-aralan mo kung paano ang istilo ng mga sikat na manunulat (Lalo ang mga published writer na). Tingnan mo kung paano sila magpasabog ng mga eksena, pag-aralan mo kung paano makipagdaldalan ang mga tauhan nila, obserbahan mo kung paano sila magpagalaw ng mga kwento. Mas maganda kung kukuha ka ng inspirasyon sa mga batikan na. Pero hindi ibig sabihin na nanakawin o magtutunog sila na ang istilo mo, pati kwento. Kukuha ka lang ng tips mula sa kanila, hindi ka dapat manggagaya.
Research, pag-aralan mo rin kung ano ang isusulat mo. Kung ano'ng genre mo. Kung ano'ng karakter ng mga tauhan mo. Kung ano ang setting. Kung ano ang umpisa, conflicts, at ang ending. Kung ano'ng purpose mo kung bakit gusto mo siya isusulat. Gusto mo lang bang sumikat o gusto mo talagang magsulat?
Write, magsulat ka. Magsulat ka ng magsulat hanggang sa mismong ang pagsusulat ang sumuko sa'yo. Walang nagiging mahusay na manunulat kung hindi magsusulat. Hindi mo rin kailangang i-post agad sa internet. Pupuwedeng isulat mo muna sa papel tapos ipabasa mo sa mga kaibigan. Pupuwedeng ipunin mo muna, tapusin ang kwento tapos palipasin mo saka basahin ulit na tila reader ka. Hindi mo kailangang magmadali para lang masabing nagsusulat ka sa Wattpad. Walang magtitiyaga sa'yo kung mukhang minadali mo ang gawa mo. Hindi rin kailangang mahaba agad, pupuwede kang mag-umpisa sa short stories o kahit 10 chapters lang. Ang importante, may laman ang kwento
Isa pang writing tip na SOBRANG effective, bago ako magsulat, i pray first. Necessity iyan. Hindi ko nagagawang magsulat ng maayos kapag hindi ako humingi ng divine guidance kay God. I always ask for the Holy Spirit to help me. I consider Him as my co-writer. Hindi lang ako, hindi lang sa akin ang kwentong ginagawa ko. Team work. Madalas sa mga important scenes nanggagaling sa Kanya. Karamihan sa mga inspirasyon ko nagmula din sa Kanya. I always ask His permission. Siya ang sole reason kung bakit ko sinusulat ang The Awesome God. Siya din ang magiging sole reason kung kailan matatapos ang kwento.
Hindi para sa sarili, hindi para sa mambabasa, para lang sa KANYA kaya umuusad ang kwento. Paraan ko rin ito ng pag-honor at pag-glorify sa pangalan Niya. Naniniwala akong binigyan ako ng Diyos ng talento sa pagkukwento, iaalay ko ang talentong iyon sa Kanya rin mismo.
Baguhan ka man o matagal na, pray first before writing. Very powerful ang prayer at wala nang mas nakakatuwa pa kung ang kwento mo ay may laman, nakakatulong sa ibang tao, you are opening their mind about God at hindi para lalong kainin sila ng mundo. Lalo na ang mga kabataan. Writers should be a role model to the youth.
Also, do not forget coffee if you are a nocturnal writer. Writing and coffee goes hand in hand. Ha-ha!
YOU ARE READING
PLUMA (Inspirations from Writers Across the Globe)
Non-FictionPluma is a Spanish/Filipino term that refers to a writing instrument back then when we don't have typewriters, computers or even smartphones. Imagine how challenging it is to we write years ago huh? Thanks to Wattpad for revolutionizing writing, re...