risingservant:It is better to be faithful than to be famous

93 10 3
                                    


Our next featured writer is someone whose work has been published already. His book entitled Alphabet of Death (go grab a copy now).

He is like a younger brother and an inspiration too. 

PM me for translation just in case you need it. 

---


Username: risingservant

Started writing in wattpad since: May 2013

Number of works published: 13

Location: Bulacan, Philippines

My Life Quote: If you see the invisible, you can do the impossible.

-------------------------------

As a writer:

Mahilig ako sa musika, sa tuwing nagsusulat ako ay laging may nakapasak na earphones sa tainga ko.

Madalas ko ring mapansin ang mga bagay-bagay sa paligid kaya dulot ng malikot kong imahinasyon kaya ako nakakabuo ng isang tagpo.

Nagsusulat lang ako kapag walang magawa o 'di kaya'y pampawala ng pagkabugnot.

Mas aktibo ang utak ko tuwing madaling araw kaya kapag hindi ako makatulog, nagsusulat na lang ako hanggang sa makatulugan ko.

Para sa mga may balak maging manunulat, huwag niyong intindihin ang reads, votes at comments. Kung passion niyo talaga, sulat lang nang sulat. Hindi ka makakatapos ng isang nobela kung iintindihin mo ang mga numero na nakalakip sa istorya. Huwag mong bilangin ang pagpapala ng iba, magpokus ka sa kung anong biyaya ang natatanggap mo. Bonus na lang ang reads, comments at votes na iyan. Huwag kang matakot magsulat. Kung magsusulat ka dahil gusto mong sumikat, mag-artista ka na lang. Makipagkapwa-tao rin. At kung gusto mong lumawak pa ang kaalaman mo sa pagsusulat, sumali ka sa mga contest.

It is better to be faithful than to be famous.

Writing tips:

Bago ka magsulat, alamin mo muna kung anong genre ba ang gusto mo o 'di kaya'y kaya mo at mapapanindigan mo. Huwag maging ningas cogon.

Ngayong nakapagdesisyon ka na sa genre na nais mong isulat, conceptualize your plot. Ano ba ang magiging takbo ng iyong kwento at ang mga pagdadaanan ng bida. Mas mainam kung gagawa ka ng outline ng gagawin mong kwento.

Mag-update kahit twice a week.

Sulat lang nang sulat.

PLUMA (Inspirations from Writers Across the Globe)Where stories live. Discover now