2006.
"PROMISE mo yan, dad, ha?" paninigurado ni Louella.
"Oo, promise. Pag nag-top-one ka, bibilhan kita ng cellphone." pangako ng papa niya.
Hindi naman sila mahirap, hindi rin sila mayaman, sadyang hindi lang siya binibilhan ng papa niya ng cellphone dahil baka makasira umano ito ng pag-aaral niya. Pero hindi na niya matagalan iyon.
Na-a-out of place na siya sa klase dahil halos lahat ng classmates niya may dala-dala nang cellphone. Hindi na siya makasabay sa mga ito dahil puro text-text na ang inaatupag ng mga ito.
Kaya nang nagtanong ang papa niya kung anong gusto nitong gift sa pagiging Honor student niya, ito agad ang hiniling niya.
"Ha?! Hindi ko kaya ang top one! Top three nalang, pa. Please?" pagmamakaawa niya.
Mula pa nung kinder siya, hindi talaga siya nakatungtong ng Top-one. Second place lang talaga ang kaya niya dahil hindi naman siya pala-aral. Nakikinig lamang siya sa lessons, at ini-istore niya sa utak niya lahat ng mga natututunan niya. Walang advance studying, at walang reviews. Hindi siya mahilig sa ganoon.
Hindi rin siya mahilig sa sports, at wala siyang talent sa pagsayaw at pagkanta kaya wala siyang extra-curricular activities. Kaya walang pag-asang maabot niya ang number-one spot na iyon sa Honor students.
"Okay, top-three. Anong top ka ba ngayon?" tanong ng papa niya.
"Top-five!" proud na sambit niya.
Ngayon lang ulit kasi siya umabot ng top-five simula noong tumuntong siya ng high school. Laging nasa seventh or eighth lang siya. Third grading noong first year high school siya, nag-top six siya, pero bumaba rin sa otso noong finals.
Noong first grading ng second year high school niya, nag-top-five uli siya. Malakas ang pakiramdam niyang magtutuloy-tuloy na naman siya hanggang third place, kasi lumipat ng school yung isang matalinong classmate nila.
> > > > >
"WOW, anong unit ng phone mo, Lou?" tanong agad ng mga classmate niyang babae, pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa loob ng classroom.
"Nokia, 3110c." Naki-usyoso na rin ang iba pa niyang classmates.
"Latest model yan ng Nokia diba?" amazed na amazed na tanong ng isa.
"Hindi ko alam. Bigay lang eh." Sagot niya kahit alam niya naman. Hindi lang kasi siya kumportable kapag pinupuri siya. Ayaw niya kasing masabihang mayabang.
"Galing! May cellphone ka na. Ikaw nalang yata walang cellphone dito eh." komento ni Charrie. Ang pinaka-bully sa lahat ng babaeng classmate niya.
"Buti nalang, ka'mo! Hindi niyo na ako ma-o-OP" sagot niya saka nagtawanan ang lahat.
Natahimik at nagsibalikan sa kani-kaniyang upuan ang mga ito nang pumasok na ang teacher nila.
> > > > >
LUNCH break. Noon, ta-tatlo lang silang nagsasabay kumain. Yung malapit na kaibigan niyang tomboy na si Steffy a.k.a Panot, ang baklang nerd na si Mikel, at ang always bullied na si Nessie, maliit kasi ito kaya madaling i-bully.

BINABASA MO ANG
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...