5

45 0 0
                                    

5. Parang wala siyang balak manligaw.

Torpe ba friend? Been there! Wala e. Sabi nga nila, pag di niya kaya, ikaw nalang. Nasa sayo naman yun talaga e. Kaya mo ba hintayin hanggang maging handa siya? Teka, gusto ka ba talaga niya?

Baka naman joke time lang o fling fling lang? May ganun ba? Ha-ha.

Seriously, I've experienced that exact kind of feeling. Yung nacucurious ka kung ano ba iniisip niya? Yung may times na napapaisip ka kung seryoso ba talaga siya sayo? Yung kung pwede ba irequest sa kanya na manligaw na siya? Na ang bagal niya, na ano bang hinihintay niya? End of the world? OMYGOD I REMEMBER THAT FEELING. This is now a hugot section...

The Hugot Section.
In my side as a girl, it is normal.

But, you should take a big note at this: They are boys. They don't think the same way as you do.

Whatever age you're on. Torpe siya o hindi pa talaga prepared, respect them. (not that I'm saying na di mo siya nirerespeto), pero it's their decision.

If you are very very very honest as in kayang kaya mo siya tanungin, pwede naman cause it's the modern world. Pero babae ka pa din. I think it's their own privacy na.

I have to say this to you, what situation I was in noon, is ang torpe niya. I don't think he has any plans. I don't think he will court me. He just loves me. Yun lang.

Pag naririnig ko yung iba na sagutin ko siya, paano ko sasagutin? Hindi naman nanliligaw!!!! Ang hirap diba?!! (mahirap na yun sa age na fifteen okay?)

What I did that I thought was wrong is alam na niyang mahal ko siya. As in 100% alam na niya, kaya 'siguro' kontento na siya sa set up namin.

Pag naaalala ko yan. HAY NAKO! With a major face palm is all that I can say.

----------

Okay, this topic is about you, so these are 10 things that might be one of the reasons why he doesn't or still not courting you.

1. Wala talaga siyang budget. (pambiling flowers o fireworks o kwek kwek)
Okay. M.U kayo o kung ano mang tawag sa inyo, pero kaya hindi ka niya maligawan kasi wala pa talaga siyang pera. Baka madami siyang priorities sa bahay, baka naman working student siya, o baka naman maliit lang talaga baon niya per day.

Know his situation.

Praktikal na kasi ngayon, hindi niya sinasadya na mainlove sa kagandahan mo, wala sa plano niya yun at ikaw ang nagpapagana ng araw niya. Pero baka he plans na ligawan ka pero wala pa siyang budget. (Malay mo nag-iipon na siya.)

You can understand his situation, or mainip ka nalang (which is a waste of your pretty time). Your choice.

2. Hindi pa siya handa.

Kung sa recitation ay hirap siya dahil kinakain siya ng kaba, e baka ganyan din ang sitwasyon niya ngayon.

Baka ikaw ang unang babae na nagpakabog ng puso niya.

It takes a lot of courage. May moves na yan unti-unti. I don't think you'll worry much if this is your situation.

Kasi sino ba naman ang ayaw magprepare para sa taong mahal niya?

3. Torpe siya. As in T-O-R-P-E. *EHEM

Hay, hindi ko alam kung bakit. Pero nakakaloka talaga ang torpe. I'm sorry if torpe yung nagbabasa, pero wala talagang mangyayari kung torpe ka.

Kung mahihintay mo siya kung kailan siya aamin sayo (hindi sa love letter o chat o text o tawag please lang), kung kaya mo mag intay. Good for you. Ang swerte niya.

Pero kasi, He should face his fear. Nagawa nga niya magpatuli e! Umamin pa kaya! Bigyan mo nalang siguro siya ng konting hint na like mo siya at hinihintay mo siya umamin. *wink *wink *milk

Basta ba sure ka na gusto ka niya ah!!!!

4. Hindi pa siya sure na sure sa nararamdaman niya sa'yo.

Heto. Totoo to. Ang boys, hindi naman yan basta basta, nag-iisip naman sila. Hindi naman sila playboy. Marami pang marangal at tunay magmahal no! Wag ka nega!

Baka lang may kaunting isip at senti pang nagaganap sa kanyang buhay, wag ka mag-alala, mas maganda yung sigurado siya. Kesa yung pinayagan mo manligaw tapos mawawala nalang pag feeling mo mahal mo na siya!

They should be sure in the first place.

5. Strict ang parents niya. (uso pa to.)

May parents pa din sa sobrang mahal na mahal ang anak nila na pati mag girlfriend ay pinagkait sa panahon na ito dahil ayaw nila mahati ang atensyon.

Kahit sa bunso kong kapatid, ayoko pa siya magkagirlfriend!!!!! I KENNAT! AYOKO NA MAS MAGING BUSY SIYA DUN. ATE MUNA.

Anyway, dadating din naman sa puntong yun. Pero habang wala pa, enjoyin ko muna. Ha-ha.

If ayaw pa ng parents, edi okay! Pwede niya aminin sayo. At least alam mo kung gusto niyang maghintay ka.

Wag naman sigurong 50 years old na kayo strict pa din parents niya! Ikaw din. If handa ka nun. Love rosie lang ang peg.

6. Mahal ka niya, pero busy pa siya.

Una, saan ba siya busy friend? Sa ibang nililigawan? Oh know! Wag naman sana ganun. Knock on the wood! Mehehe wag ka na magritwal.

Basta ba honest siya and you know in your heart that he loves you, Trust is the only option.

Or baka naman obvious na may something na sa inyo pero di ka maligawan kasi there's a lot of priorities! (baka mvp siya, president ng kung anu-ano, family, church, etc.)

Kesa saktan ka niya at ma disappoint ka ng paulit-ulit, hindi ka nalang muna niya liligawan.

7. Nakampante na siya sa'yo. (HUGOT ZONE)

Eto. Dito ako nasasaktan. Pag nakampante na siya na feeling niya kayo na pero walang commitment. Kaya ang hirap magselos kasi hindi naman talaga kayo.

Iuntog mo nalang siya at tanungin mo kung may plano ba siya sa boyfriend and girlfriend stage.

Pero seryoso, try asking his friends. Much better if close friend niyong dalawa. Baka di lang talaga siya handa pa.

Pag kampante na talaga, three things: go with it or talk to him or get tired of him (yung third one masaklap. Dinagdag ko lang para may iba pang choices)

8. Nagpapractice pa siya.

Ay friend wag na mainip, nagpapractice pa ng speech niya e.

Be cool girl. Baka busy magpractice. Liligawan ka nun

9. Hindi siya yung tipo na nanliligaw. (Mga cool o pa-cool dudes)

Madaming ganito. Mga liberated style e. Wala na kasi ang traditional way. Nakupasan na. Naku nako. Hindi to adviceable. Mas maganda ang Filipino Style. Kung ang spaghetti nga, may filipino style, dapat pati ang ligaw stage, pang pilipino! Hindi yung call me maybe. Naku nako!

Marami ng ganito, nasa sayo naman kung no big deal sayo ang ligaw. It's your choice. Again and again.

Baka akala niya kayo na!!!!!!


10. Baka naman nag aassume ka lang?

Ay friend, baka naman wala lang talaga? Baka wala namang something lovey lovey sa inyo?

Baka crush lang? Baka nacutean lang sa ilong mo? O sa hairstyle mo?

Isip ka muna. Baka close lang kayo and walang something like what's above.

Keep calm. Okay?

----------

So meron ba sa nabanggit? Wag ka mag alala. You don't have to problem him. Kahit gaano ka niya kamahal, aba! Ipakita niya! Kung hindi niya kaya, edi huwag. Sa ganda mong yan, hindi ka pa niya liligawan? Baka malabo mata. Ipa free eye check up mo.

Let's move on to the 6th.

Boyfriend? Wala ako nun e.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon