17. Naiinggit lang talaga ako sa mga may boyfriend.
In this situation, naiintindihan ko.
Oo na, baka naman kasi naiinggit ka na sa HHWW sa park at mall.
Oo na, naiinggit ka sa barkada mo na may kapartner.
Oo na, ikaw na naiinggit.E bakit ka ba talaga naiinggit?
Sure ka ba na pag ikaw nasa situation na ganun matutuwa ka? Or mao-awkward ka lang kasi hindi ka sanay?
Naiinggit ka ba dahil sa naging popular sila ng batch niyo kasi agaw atensyon?
Naiinggit ka ba dahil kasama niya yung gusto mo makasama?
Naiinggit ka ba dahil bakit unfair?
Ang mali dyan, hindi sila at hindi din ang itsura mo.
Alam mo kung ano ang mali?
Yung the way ng pag iisip mo.
Bakit ka maiinggit? Sigurado ka ba na kaya siya may boyfriend dahil perfect siya? Minsan naghahanap lang sila ng wala sa family nila. Tapos ikaw ginagaya mo pa kasi naghahanap ka ng bogfriend.
Ibahin mo yung way of thinking mo.
Gusto mo magkaboyfriend hindi dahil sa ibang tao.
Hindi dahil sakin.
Hindi para maka move-on ka.
Hindi dahil sa friends mo.
Hindi para sumikat ka.
Hindi para sa lahat ng ibang bagay.
Kundi dahil gusto mo dahil deserve mo. Gusto mo dahil mahal mo ang sarili mo at gusto mong mahalin din ng iba at maappreciate ka.
At the same time, alam mo na may perfect time dun. Naniniwala ka na marami ka pang dadaanan at matututunan bago siya dumating.
Ang happy ending ay wala sa kanya. Nasa iyo. Tandaan mo yan, nasa iyo.
Kilalanin mo muna sarili mo, be happy on appreciating every little things. Change for the better each day. Wag ka paapekto sa iba. Masaya ang single.
Sa totoo lang, sinulat ko to not to find a boyfriend at kung saan mo siya pupuntahan. Isinulat ko to, to let you know how beautiful you are, how you should not depend beauty on other people and how you should love yourself how God loves you.
Nalaman mo na ang maaaring dahilan kung bakit ka single. Naenjoy mo o hindi, natuto ka o hindi, nasa sa iyo yan.
Basta be always grateful. Having a wow factor in ordinary things will make your life extraordinary.
Thanks for reading! Abangan ang bonus chapter
BINABASA MO ANG
Boyfriend? Wala ako nun e.
HumorSingle since birth? Bakit nga ba wala kang boyfriend? Heto ang hustisya.