16. Matalino daw ako masyado.
Hay, friend, wag ka maniwala sa nagsabi sayo nun! Wala naman sa dapat mas matalino siya o shunga siya o nerd ka o genius kaya wala kang boyfriend.
Nakikipag friends ka ba sa opposite sex? O bookworm ka lang? Kasi ako binuhusan ng pagkaintrovert e tsaka nakakasundo ko ang kapwa bookworms kaso panay babae. Ikaw.. Makipagmeet ka sa mga makakasundo mo.
Tsaka sa totoo lang, wala taagang connect yung pagiging matalino sa dahilan kung bakit wala kang boyfriend!!!! Abnoy lang maniwala dun. Promise. Hindi siya totoo, kung ayaw man ng lalaki dahil masyado ka maalam dahil sa nagtetake ka ng masters sa medicine o kung ano man, hindi sila kawalan jusko! Mayroong darating sayo na para sayo talaga at mamahalin ka ng bongga.
Kaya ikaw, matalino ka, hindi mo kailangan mag adjust sa kanila. Ang mga beauty queen nga e! Basta isipin mo ikaw si shamcey supsup. Happily married na ngayon
And in addition lang, ang pagiging matalino ay asset! Hahangaan ka nila tapos makakabonding mo pa sila pag study time. Kaya ikaw, wag ka umiyak dyan, okay?

BINABASA MO ANG
Boyfriend? Wala ako nun e.
HumorSingle since birth? Bakit nga ba wala kang boyfriend? Heto ang hustisya.