8

27 1 1
                                    

8. Gusto ko pag dumating siya, siya na din yung huli. First & last love ba.

Hmmmmm, kung hindi mo papayagan ang sarili mong makilala ka ng iba at makilala mo siya, hindi mo siya makikita. Pero madami namang ganito. Pero you should be prepared always. Kasi hindi lahat ng nakikita mo sa kanya, e yun na agad.

Diba nga sabi nila, hindi sapat yung mahal niyo lang ang isa't isa.

You'll understand it more if mas mature ka na. Kasi promise, ibang iba talaga ang takbo ng isip ng 15 sa 18.

If nung 15, nagpapanic ka pa pag kasama mo siya, pag 18, not really. Mas makakapag isip ka pa ng tama instead na nagdedaydream ka sa harap niya.

Mahirap kung ganito din takbo ng isip. Yung aasa ka na kung sino ang first, siya na din ang last.

Mahirap na lalo kung makakakilala ka ng nasa loob ang kulo. Madami kasing ganun.

Yun bang, prince charming siya pero pag naging asawa mo, dun lalabas ang totoong siya.

So if you want to meet him, pray for him.

Kasi sino pa ba ang makakapagbigay sayo ng the best na gift? Si God lang.

Kaya ikaw, hindi sa pinipigilan kita pero huwag ka na umasa ng todo todo sa first and last na ritwal na yan kasi ang pag-ibig, walang sinusundang rules. Okay?

Boyfriend? Wala ako nun e.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon