Chapter # 5:

16 2 0
                                    

Ariel's POV

"Insan.. sigurado ka bang hindi makikipagkita yung Ella??" - Marvin

Napatingin ako bigla sa kanya.

Naalala ko, may sinabi si Ella sakin na isusurprised niya daw ako balang araw.

Pero di bale na.. hindi ko na lang sasabihin kay Marvin para pumayag siyang magpanggap bilang ako.

"Oo, sigurado ako.. hindi pupunta dito yun." - Ako

"DING DONG!!"

"Ako na lang magbubukas.." - Ako

"Geh!" - Marvin

Bumaba na ako sa may gate at binuksan ito.

Pagbukas ko, may dalawang babae, yung isa. Hindi ko kilala. Pero yung isa, kilala ko. KIlalang kilala ko.

Si.. si.. Si Ella..

May sinabi siya.. pero hindi ko maintindihan, nakatulala lang ako sa kanya.

Nagwave siya ng kamay sa may mukha ko at doon lang ako natauhan.

"A-Ano nga ulit yun??" - Ako

"Sabi ko, dito po ba nakatira si Ariel??" - Ella

Ariel?? AKo yun ahh.. ehh bakit hindi niya ako makilala?? 

TSK! Oo nga pala!! Picture nga pala ni Marvin yung binigay ko!!

Takte! Anong gagawin ko!!??

Nagpaalam ako sa kanila at inakyat ko si Marvin sa kwarto niya.

"Marvin!" - Ako

"Oh?? Anong nangyari sayo?? Bakit ganyan itsura mo?? SIno yung dumating?" - Marvin

"Si..Si..Si.. Si Ella.. Si Ella yung dumating.. Anong gagawin natin? Alam niya na ikaw si Ariel.. Kailangan ikaw yung kumausap sa kanya.." - Ako

Napatayo siya sa kinauupuan niya..

"Ano??!! Napapraning ka ba?? Ayoko nga!! Diba sabi mo hindi siya pupunta dito??!! Ehh bakit siya nandito ngayon??" - Marvin

"Eh.. hindi ko rin alam ehh, sige na Marvin.. Please.. Pumayag ka na.. andyan na siya ehh, hindi ko na mababawi.." - Ako

"Oh sige na!! Sige na!! Ikaw naman kasi ehh.. basta ikaw na lang sumagot sa mga pinagsasasabi niyan ahh.. wala naman akong alam sa mga pinag-uusapan niyo ehh.. Kainis ka naman ehh." - Marvin

"Oh sige, sorry na.. hindi ko rin naman alam ehh. Halika na.." - Ako

Bumaba na kami sa gae para puntahan sila Ella.

Nung nakita ni Ella si Marvin, natulala siya sa kanya.

Wag niyang sabihing nalove at first sight siya kay Marvin. 

Dahil dapat ako ang nasa pwesto niya.

"Hi.." - Marvin

Inabot niya yung kamay niya para makipagshake hands pero hindi pinansin ni Ella yun.

Nakatulala pa rin siya.

Siniko siya nung kasama niya at dun lang siya natauhan.

"Ay.. h-h-h-hi.." - Ella

Nakipagshake hands si Ella kay Marvin.

Tsk! Dapat ako may hawak ngayon na kamay niya at hindi si Marvin.

"Ikaw ba si Ella?" - Marvin

"Huh?? Ahh.. oo. Ikaw ba si A-Ariel?? diba??" - Ella

"Oo.. Ako si Ariel.. Tara Pasok tayo." - Marvin

Pumasok kami sa bahay at umupo kami sa sofa.

"So.. kamusta?? Bakit bigala kang napadalaw dito??" - Marvin

"Ano ka ba?? Diba sabi ko sayo dat pupuntahan kita pero hindi ko sasabihin kung kailan para surprise??" - Ella

Oo, sinabi niya dati yun pero hindi ko sinabi kay Marvin kasi baka hindi siya pumayag magpanggap ehh.

"Huh??" - Marvin

Tsk! Hindi alam ni Marvin yun.

Sumingit ako sa kanila.

"Oo! Ariel! DIba nakwento mo sakin yun?? para surprise daw??" - Ako

Napatingin sakin si Ella.

"S-sino siya??" - Bulong niya kay Marvin

"A-Ahh.. siya ba?? Pinsan ko, nakatira siya dito para magtrabaho." - Marvin

"A-Ahh.. Ako nga pala si Ma-Marvin.. Na-nice to meet you." - Ako

KInuha ko yung kamay niya at nakipagshake hands at kita naman sa mata niya na ayaw niya talagang makipagshake hands.

"Ahm.. ako naman si Hanna, pinsan ako ni Ella. Nice to meet you." - Hanna

Pagkatapos nun wala ng nagsalita, ang boring kaya mga ilang minuto lang dumaldal muna ako para maaliw sila. 

Pero parang bored pa rin sila ehh.

Kaya nagpaalam na silang umalis.

Hinatid namin sila sa may gate.

Pumasok na ulit kami sa loob ng bahay.

'Tsk! Pambihira ka naman insan ehh! Sabi mo hindi makikipagkita yun at saka bakit hindi mo sinabi sakin na may sinabi pala siya sayo na isusurprise ka niya." - Marvin

"Ehh nagawa ko lang naman yun dahil baka hindi ka pumayag na magpanggap ehh.." - Ako

"Hay naku!! Ewan ko sayo! BAkit ba ayaw mong magpakilala talaga sa kanya bilang si Ariel? Pinapahirapan mo pa ako ehh.. Tsk! Bahala ka na nga diyan!!" - Marvin

Iniwan niya lang akong nakatayo dito sa sala at umakyat na siya sa kwarto niya.

Mali ba yung ginawa ko??

Tss.. nagsisisi tuloy ako.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon