After 5 hours..
Ella's POV
Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay ko.
Hinatid nya ako pagkatapos ng lakad namin kanina.
Bago ako pumasok sa gate. Nag-usap muna kami ni Ariel.
"Hmm.. Natawa ka ba sa ginawa natin?" - Ariel
Tanong nya habang nakapamulsa.
"Oo naman, kahit saan naman tayo pumunta masaya at natutuwa ako ehh. pero... " - Ako
May gusto pa akong idugtong kaso baka ma-offend siya ehh.
Biglang kumunot yung noo niya.
"Pero... Ano??" - Ariel
"Ahmm..." - Ako
Umiwas ako sa tingin niya at yumuko ako.
Hinawakan niya yung baba ko at tinaas para tumingin ako ng diretso sa kanya.
"Sabihin mo." - Ariel
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa baba ko, At tinuloy yung ssabihin ko.
"Pero.. parang hindi kompleto yung araw ko. Kasi..." - Ako
"Kasi..??" ' Ariel
"Kasi.. Wala si.. si Marvin." - Ako
Napayuko ulit ako. Siya naman, halatang nainis sa sinabi ko.
Alam ko sa sarili ko na nasanay lang talaga ako na kasama siya. Parang gusto ko lagi na siyang kasama. Wala na kasing nangungulit, nakikiepal, nakikisingit. Ewan ko. Kahit nakakainis yung mga kilos niya, gusto ko lagi na siyang kasama.
Hinawakan niya ako sa balikat.
"Wag kang mag-alala. Sa susunod na araw, Kahit hindi siya kasama sa date natin. Gagawin kong kompleto ang araw mo at sisiguraduhin kong special para sayo." - Ariel
"Hindi mo naman kailangang gawin yun ehh." - Ako
"Pero gusto ko, Ganun ang mangyari. Ok??" - Ariel
Tumango ako.
"Ok =) " - Ako
Nilapit niya yung mukha niya sakin.
Habang lumalapt siya, nakatingin siya sa labi ko.
At unti-unti siyang pumipikit hanggang sa....
------
Ella's POV
"GOOD MORNIIIING!!!" - Hanna
-_-
Ano ba naman toh?? Baliw na yung pinsan ko.
"Uy! Uy! Uy!" - Hanna
Habang hinahampas ako ng unan.
"Ano ba yun???" Ako
Sabi ko habang nakapikit pa yung mata ko at nakatakip ng unan panangga sa hampas niya.
"Gising na!!!" - Hanna
"Oo na! Gising na ako." - Ako
Umupo ako sa pagkakahiga.
Nagkuskos ako ng mata at nag-ayos ng buhok.
"Ano ba kasing meron??" - Ako
"Ahm.. Wala lang..! ^-^ " - Hanna
>,< Kumuha ako ng unan at hinampas ko sa ulo niya.
"Wala naman pala binulabog mo pa ako." - Ako
"Aray ko naman!! Joke lang yun, magpapakwento lang ako kung anong nangyari kahapon sa inyo ni Ariel." - Hanna
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit mo natanong??" - Ako
Umayos siya ng upo sa tabi ko.
"Curious lang.. Bawal?? Bawal magtanong??" - Hanna
"Hindi naman, sadyang ayaw ko lang magkwento." - Ako
"Eiihh.. Magkwento ka na.. Dali!" - Hanna
Habang niyuyugyog pa ako sa balikat.
"Tsk! Basta.. tinatamad ako." - Ako
"Wehh?? Baka may ayaw ka lang i-share sakin. Siguro nagkiss na kayo noh??" - Hanna
Tumingin siya sakin ng diretso.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Hay naku!! Wag kang masyadong mangarap na magki-kiss kayo." - Hanna
"Ehh paano kung sabihin kong nagkiss na kami kagabi??" - Ako
"Oh? Talaga?? Nagkiss na kayo??" - Hanna
"Yup!" - Ako
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin ng biglang.
(SLAP!!!)
"ELLA!! GUMISING KA NA!! NANANAGINIP KA NA NAMAN NG GISING!!" - Hanna
Sinampal ko rin siya.
(SLAP!!!)
"Gising na ako!! Hindi ako nananaginip!! Totoo sinasabi ko!!" - Ako
"Wews!? Di nga?!" - Hanna
"Bahala ka diyan kung ayaw mong maniwala!" - Ako
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Iniwan ko si Hanna.
Bahala siya dun, ayaw niyang maniwala ehh. Ok. Fine.
(1 message from Ariel <3)
ni-open ko yung message.
"Wanna Date with me??"
Nagreply ako.
"Ok"

BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na nagkakilala lamang sa internet. Malayo sila sa isa't isa kaya hindi nila magawang magkita. Pero dumating ang araw na pumunta ang babae sa tirahan ng lalaki. Abangan niyo ang mangyayari.