Ella's POV
Masyado ko yatang minadali si Hanna sa pag-alis namin.
Ayan.. hindi tuloy nakapag CR sa bahay..
Kaya umalis muna kami dun. Naghanap si Hanna ng CR. Ewan ko lang kung may mahanap siya.
Ako naman.. pumunta ako sa pinakamalapit na Simbahan habang naghihintay sa kanya.
Lumuhod ako at taimtim na nagdasal.
Hanggang sa may narinig akong isang lalaki.
"Wala na.. Hindi ko na siya naabutan.. Bakit ba kasi ang tagal kong maisip na tunawag sa bahay nila??" - ??
Naramdaman ko siyang lumuhod din sa tabi ko.
"Hay.. Panginoon.. Siguro po hindi po talaga para sakin si Ella noh." - ??
Bigla kong naiangat ang ulo ko ng bigla kong narinig ang pangalan ko.
Sino ba tong lalaking toh??
Nakatingin lang ako sa harap ko.
Gusto kong tumingin sa katabi ko para malaman kung sino siya.
Pero parang kinakabahan ako kaya hindi ko magawa.
Nagsalita siya ulit.
"Iniwan na niya ako Panginoon. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa kanya. Nagalit siya sakin na iba ang dahilan na nasa isip niya." - ??
Hindi ko na kaya. Ang mga sinasabi niya, tugmang tugma sakin.
Unti-unti kong tiningnan kung sino yung lalaking nagsasalita.
"Ikaw pala." - Ako
Napatingin siya sakin.
Nung una parang hindi niya ako namukhaan. Pero ilang saglit lang. Nanlaki ang mga mata niya. At akmang sisigaw.
Pero inunahan ko siya.
"Wag kang maingay, nasa simbahan tayo" - Ako
"Ay sorry. Oo nga pala." - Ariel
Binalik ko ang tingin ko sa harap kung nasaan ang Panginoon.
Ginawa niya rin ang ginawa ko.
Nakaluhod pa rin kami.
Ilang segundo lang ang katahimikn at sinira niya na ito.
"Ella, Patawarin mo na ako. O kaya bigyan mo muna ako ng pagkakataon na magpaliwanag ngayon." - Ariel
Sabagay. Hindi ko pa nga naririnig yung side niya.
Teka?? Porket nasa simbahan ako. Parang gumagaan ang loob ko. Hindi na ba ako galit??
Sigurado ako. Kahit na marinig ko ang paliwanag niya.
Hindi ko pa rin siya mapapatawad.
"Sige. Magpaliwanag ka." - Ako
"Salamat Ella." - Ariel
Bumuntong hininga siya.
"Dati.. nung nagkaka-usap pa lang tayo sa internet. May nararamdaman na ako para sayo. Alam ko sa sarili ko na may gusto ko sa kapenpal ko. Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko tuwing kausap kita. Kahit na sa internet lang tayo nag-uusap at hindi kita nakikita sa personal. Masaya pa rin ako. Wala akong pakielam kahit sa personal o internet pa yun. Para sakin hindi na importante yun. Nang bigla kang dumating sa bahay. Bigla akong nag-alala. Na kapag ako ang nakita mo. Baka magalit ka sakin dahil ibang picture yung binigay ko sayo. Si Marvin yung nasa picture. Hindi ako. Kaya magalit ka kasi sa picture siya ang nakikita mo. At sa personal.. ako. Diba hindi naman nakakatuwa yun." - Ako
"Ehh alam mo naman palang hindi nakakatuwa. Ehh bakit ginawa mo pa??" - Ako
"Ehh kasi natakot ako." - Ariel
Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Natatakot saan??" - Ako
"Natatakot ako na baka hindi mo ko magustuhan. Kasi hindi ako gwapo, hindi ako mayaman." - Ariel
Tumingin na ulit ako sa harap.
"Ganyan ba ang pagkakakilala mo sakin?" - Ako
Alam kong napatingin siya sakin.
"Bakit?? May pag-asa ba na magkagusto ka sakin??" - Ariel
"Hindi ako nagkakagusto sa mga taong walang tiwala sa sarili. Na kung anu-ano ang naiisip kaya iniiba ang pagkatao niya." - Ako
Napayuko siya at bakas sa mukha niya na malungkot siya.
"Wala na nga talaga akong pag-asa." - Ariel
Kawawa naman siya.
Teka??
Ako naaawa??
Oy Ella!! Niloko ka niya diba?? Ehh bakit ka naaawa??
Ehh pero.. Narinig ko na ang paliwanag niya.
Nagkamali ako, Akala ko hindi ko pa rin siya mapapatawad kapag narinig ko ang paliwanag niya.
Pero bakit ito ang nararamdaman ko??
Parang gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon.
Gusto ko siyang patawarin.
...
Ilang minuto na ang natatapos. Tahimik pa rin kami.
Umupo na kami ng maayos.
At sinira ko ang katahimikan na namamagitan saming dalawa.
"Pwera na lang kung maipakita mo sakin ang totoong ikaw." - Ako
Tumingin siya ng may pagtataka.
"Hu-Huh??" - Ariel
"May pag-asang magkagusto rin ako sayo kung maipapakita mo sakin ang totoong ikaw." - Ako
"To-totoong ako??" - Ariel
"Oo.. kasi diba ang akala ko ikaw si Marvin." - Ako
Tumingin din ako sa kanya.
"At isa pa.. Hindi naman ako masamang tao para hindi magpatawad ehh." - Ako
Biglang siya sumaya at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat Ella.. Thank you for gibing me a second chance." - Ariel
Niyakap ko rin siya.
"I love you Ella." - Ariel
Bulong niya.
"Th-Thank you." - Ako
Yun na lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na nagkakilala lamang sa internet. Malayo sila sa isa't isa kaya hindi nila magawang magkita. Pero dumating ang araw na pumunta ang babae sa tirahan ng lalaki. Abangan niyo ang mangyayari.