Ariel's POV
Tsk!! Hanggang ngayon bad trip pa rin ako kay Marvin.
Sa tingin ko may balak talaga siyang agawin si Ella sakin ehh.
Sa tingin ba niya papayag ako?? Akala niya lang yun.
Hindi porket nakikitira ako sa bahay niya ay hindi ko na siya pipigilan
Bakit?? anong magagawa niya kung ako naman talaga ang kapenpal ni Ella sa simula pa lang.
Naglilinis ako ngayon ng Kotse ni Marvin, ang arte naman kasi ehh.
Kailangan linggo-linggo linisan to?? Siya kaya paglinis ko nito.. ingudngod ko yung mukha niya dito sa kotse ehh.
May naririnig ako foot step galing sa loob ng bahay.
Napalingon ako sa pintuan, at nakita ko yung mukha ng pinsan ko na mang-aagaw ng kapenpal.
"Bilisan mo diyan, dapat pagkatapos ng tatlong oras tuyo na yan ahh." - Marvin
"Bakit?? Gabi na pagkatapos ng tatlong oras ahh." - Ako
"Basta, aalis ako. Wag ka ng sumama. Kaya kong magmaneho." - Marvin
"Aalis kayo ni Ella??" - Ako
Nangamot siya ng ulo at nakabusangot yung mukha niya.
"Basta!! wag ka ng masyadong maraming tanong. Bilisan mo na lang diyan!" - Marvin
Pumasok na siya ng bahay.
"Aba! Galing mo ahh.. sipain kita diyan ehh." - Ako
Bulong ko sa sarili ko.
"Edi lumabas kayo. Mag date kayo kung gusto niyo." - Ako
Pero sa loob loob ko, nagseselos ako.
-----
Ella's POV
"Na naman!! Lalabas na naman kayo??" - Hanna
"Oo.. ano bang masama dun??" - Ako
"Wala naman.. nakakakilig lang. Hehe!" - Hanna
"Bilis na!! Tulungan mo na akong pumili ng susuotin kong damit para mamaya." - Ako
Kumuha ako ng mga dress at nilagay ko sa kama para makapili kami ng damit ko.
Kasi may date kami ni Ariel my labs. Hihihi!!
"Insan??" - Hanna
"Yes??" - Ako
"Kung may date kayo mamaya.. ibig sabihin kasama na naman si Marvin??" - Hanna
"Oh? Anong meron??" - Ako
"Anong 'anong meron'?? ehh diba ayaw mo dun??" - Hanna
"Huh?? Sinong nagsabi??" - Ako
"Ikaw!! Diba sabi mo makulit siya..??" - Hanna
"Oo makulit siya, pero wala akong sinabing ayaw ko sa kanya noh.." - Ako
"Owss?? di nga??? pero dati galit na galit ka dun.." - Hanna
Napatigil ako sa pagpili ng damit nung sinabi niya yun at biglang napaisip.
Oo nga noh.. dati ayaw ko sa kanya, pero ngayon ok na sakin.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ako.
Anong nakain ko?? Parang type ko siya?? Ay ewan!!
"Uy teh!! Natulala ka??" - Hanna
"Huh?? Ahh.. sorry! Ano nga ba ulit yun??" - Ako
"Sabi ko dati galit na galit ka kay Marvin pero ngayon ok lang sayo na nandiyan siya." - Hanna
"Huh?? Ahh.. oo naman. Tao rin naman siya at saka..." - Ako
"At saka.. Ano??" - Hanna
"At saka... seriously and.. honestly. Namimiss ko siya." - Ako
"What??!! Namimiss mo siya?? Wag mong sabihing may gusto ka sa kanya ahh. Andiyan si Ariel wag mo siyang aahasin." - Hanna
"Hindi pala siya yung namimiss ko, yung pangungulit niya. Tama! Yung pangungulit niya yung namimiss ko hindi sya." - Ako
"Wews?? Talaga lang ahh." - Hanna
"Oo nga! Promise!" - Ako
"Owwkkeeyy.. Hmmm.." - Hanna
Hinawakan ni Hanna yung baba niya at tumingin ng kakaiba si Hanna sakin.
"Ho-hoy! Ba-bakit ka ganyan tumingin ahh." - Ako
"Hmm.. wala lang." - Hanna
Kinuha niya yung cell phone niya at sinabing..
"Masabi nga kay Ariel ang tungkol dun.." - Hanna
Ida-dial na niya sana yung number ni Ariel.
"Hoy! Ano ka ba?! Sira ka ata ehh!" - Ako
Hinablot ko yung cell phone niya.
"Oh?? Bakit? Wag mong sabihing natatakot ka??" - Hanna
"Natatakot talaga ako kasi baka magalit yun at hindi pa matuloy ang date namin mamaya." - Ako
"Wehh?? O baka naman guilty ka kasi may gusto ka talaga kay Marvin." - Hanna
"Oy wala ahh.." - Ako
"Owwkey.. Edi wala.." - Hanna
Tinuloy na lang namin yung pagpili ng damit.
Eto talaga si Hanna madumi yung pag-iisip.
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na nagkakilala lamang sa internet. Malayo sila sa isa't isa kaya hindi nila magawang magkita. Pero dumating ang araw na pumunta ang babae sa tirahan ng lalaki. Abangan niyo ang mangyayari.