Ella's POV
"Ella, hindi ako makakasama sa pasyal natin mamaya ahh.. busy ako ehh." - Hanna
"Naku! Saan ka busy??" - Ako
"Basta! Hindi na kailangan pang malaman. Bilisan mo na! Pumunta ka na kila Ariel, baka ian ka sige ka!" - Hanna
"Mamaya na! Akong bahala!" - Ako
Nandito kami ngayon sa kwarto namin.
Mamaya kasi ipapasyal ako ni Ariel. Kasama yung pinsan niya kasi driver daw nila yun.
Dapat nga kasama din si Hanna kaso lang umaarte na naman.
Maya maya, dadating na sila Ariel dito.
Hindi kasi alam ni Hanna na binigay ko yun address ng bahay na to ehh.
Ang panget naman kasi kung ako yung pupunta sa bahay nila at magsusundo.
Kaya sabi niya, siya na lang daw ang susundo.
Ang sweet noh! Hehe!
"BEEP BEEP!!!"
"Ay! Baka sila Ariel na yan! Baboosh!" - Ako
Hindi ko na hinintay yung isasagot ni Hanna.
Lumabas na ako sa kwarto namin at dumiretso sa labas ng bahay.
Naka abang lang yung kotse nila.
Si Marvin nasa upuan ng driver kasi siya yung driver ehh, malamang.
SI Ariel naman nasa likod.
Walang naka-upo sa tabi ni Marvin.
Hihi! Siguro gusto akong makatabi ni Ariel, hehe!
Bumaba ng kotse si Ariel,
"Good Morning!" - Ariel
"Good morning din." - Ako
"Tara?" - Ariel
Tapos inalay niya yung kamay niya.
"Tara!" - Ako
Hinawakan ko naman yung kamay niya.
Tapos pumasok kami sa loob.
Syempre magkatabi kami. Hehe!!
Nagkwentuhan lang kami habang bumabyahe.
At eto namang si Marvin, singit ng singit kaya hindi kami makapag-usap ng maayos ni Ariel.
Si Ariel naka-akbay sakin. Hehe! Kakilig!
After 2 hour and 30 minutes
Pumunta kami sa isang lugar.. ewan ko kung saan yun and i'm not interested.
Basta kasama ko si Ariel. Ok na ako.
"Nandito na tayo.." - Marvin
Nagpark lang si Marvin sa isang tabi tapos bumaba na kami.
Naglakad lakad muna kami.
Puro Puno tapos damo yung tinatapakan namin.
Tapos ang taas.. teka nasa bundok ba kami??
"Ahmm.. Ariel.. Saan to??" - Ako
"Hindi mo ba alam?? Nasa Tagaytay tayo. Picnic Grove yung tawag sa lugar na to." - Ariel
"Ahh,, kaya pala medyo lumamig." - Ako
"Malamig ba?? Gusto mo akbayan kita?? Para hndi ka ginawin.." - Ariel
"Hehe! Kung ok lang sayo.." - Ako
Bigla na namang sumingit si Marvin.
Ano bang problema nito?!
"Ehem! Ehem! Tara sakay tayo sa kabayo oh.. masaya dun!" - Marvin
Tapos hinila niya ako paunta dun sa sinasabi niya.
Wala naman akong nagawa kung di ang sumama, pati na rin si Ariel.
Sasakay na kami sa kabayo.
Si Marvin mag-isa, tapos ako naman, inaalalayan ni Ariel kasi daw baka mahulog daw ako.
Napansin ko lang si Marvin, kanina pa siya tingin ng tingin tapos ang sama ng tingin niya lalo na kay Ariel.
Sira ulo to ahh! Sarap upakan ehh.. kung pwede nga lang magsuggest na kaming dalawa lang ni Ariel ang pumunta dito ehh kaso lang hindi pwede.
"Ma'am, gusto niyo pong magpapicture kasama yung horse??" - Photographer
"Ahh, sige po!" - Ako
Inalalayan akong bmaba ni Ariel para makapagpapicture.
"Ariel, picture tayo." - Ako
"Sige!" - Ariel
Nakahawak kami sa kabayo.
Tapos yung isang kamay ni Ariel naka-akbay sakin.
"1..2..3.." - Photographer
(KLICK)
At Eto na naman! Sumingit na naman si Marvin..
"Uy sama ako!!" - Marvin
Pumagitna siya samin ni Ariel.
At dumikit siya sakin. Yung talagang dikit na dikit.
Ano ba talagang problema nito??! Papansin masyado!
Hindi tuloy ako makangiti ng maayos.
Tsk! Bahala na nga!
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na nagkakilala lamang sa internet. Malayo sila sa isa't isa kaya hindi nila magawang magkita. Pero dumating ang araw na pumunta ang babae sa tirahan ng lalaki. Abangan niyo ang mangyayari.