Ariel's POV
ARRRGGGHHH!!!
Hindi ako makapag-isip ng maayos.
Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kay Ella.
Ni hindi ko nga alam kung hahayaan niya akong magpaliwanag sa kanya ehh.
Sino ba naman yung makikinig pa sa taong niloko siya diba.
Dapat kasi talaga hindi ko na ginawa yun nung una pa lang ehh.
(DING DONG)
Oh..
Sino naman kaya yun??
(DING DONG)
"Sandali lang!!" - Ako
Binuksan ko yung gate.
At nakita ko siya.
Bakit naman pumunta agad siya dito?
At dapat ako pumunta sa kanila para magsorry.
Bakit naman inunahan pa niya ako?
Tsk! Hindi pa ako Ready ehh.
Hindi ko pa alam sasabihin ko.
Nakatingin lang siya sakin at nakatingin lang din ako sa kaniya.
Ano bang balak niya?
Bigla siyang pumasok ng bahay ng wala man lang sinasabi.
Ano ba talagang balak nito.
Sinundan ko siya sa loob ng bahay.
Umupo siya sa sofa.
Lumapit ako sa tapat niya.
At sinira ko ang katahimikan.
"Ella, Tungkol sa nangyari. Sorry. Patawarin mo ko. Ella, Hayaan mo kong magpaliwa--" - Ako
Pinutol niya ang sinabi ko.
"Ano pa bang ipapaliwanag mo Marvin?!" - Ella
Natigilan siya.
"Ariel pala. Ikaw nga pala si Ariel." - Ella
Natahimik ako. Alam na nga niya talaga ang tungkol dun.
Pero.. Nagpaliwanag ba si Marvin tungkol dun??
"Hayaan mo muna akong magpaliwanag Ella, Wag kang magagalit kay Marvin. Ako ang may pakana ng lahat ng yun Ella. Ako ang may gusto nun." - Ako
"Anong gusto mo?? Pagmukhain ako tanga??!!" - Ella
Tumayo siya sa harap ko.
"Hindi yun ang ibig k--" - Ako
(SLAP!!)
"Kahit anong sabihin mo. Hindi ko paniniwalaan yun. Isa lang ang nasa isip ko. Masama ka. Masama kayong tao. Ang sasama ng ugali niyo!!" - Ella
Bakas sa mukha niya ang galit. Talagang hindi niya na ako mapapatawad.
"Oh heto!!" - Ella
Ibinato niya sa dibdib ko ang paper bag na hawak niya at nagsitapon ang mga laman nito.
"Sayo na yang mga kasinungalingan mo." - Ella
May tumulong luha sa pisngi niya.
"Pinaasa niyo ako Ariel. Pinaasa niyo ko." - Ella
Sinabi niya yun habang dinuduru-duro ako.
"Alam mo ba yung pakiramdam ng kinakausap ko yung taong akala ko na kausap ko dati??" - Ella
"Ella, Sorry." - Ako
"Alam mo ba Marvin??! Ang pakiramdam ng hinahalikan ko yung taong hindi naman pala siya ang dapat halikan??" - Ella
Natahimik kami. Pero ilang saglit lang. Nagpatuloy ulit siya.
"Alam mo ba ang pakiramdam ng nagmamahal ng taong hindi naman pala siya ang dapat na mahalin??" - Ella
"Ariel alam mo bang ikaw ang mahal ko?? Pero ibang lalaki ang humarap sakin. Siya ang nakasama ko, siya ang hinalikan ko, siya ang kina-usap ko. Pero hindi pala dapat siya. Dapat ikaw yun. Dapat ikaw lahat ang gumawa nun. Pero anong ginawa mo? Anong ginawa niyo? Pinagkatuwaan niyo ako!!" - Ella
"Ella, Makinig ka sakin, Hindi yun ang ibig kong iparating. Maniwala ka hindi ganun ang gusto namin." - Ariel
"Wag ka ng magpaliwanag Ariel. Pinagsisisihan kong nakilala kita." - Ella
At tuluyan na siyang lumabas.
Iniwan niya akong nakatayo dun.
Hindi ko alam ko alam pero nangingilid na ang luha ko sa mata ko.
Napayuko na lang ako at nakita ko ang mga envelop na nagkalat sa sahig.
Ito yung letters sa kanya.
Binalik niya na sakin.
Simula sa pinaka-una kong binigay sa kaniya hanggang sa pinakahuling letter ko para sa kanya. Ibinalik niya sakin.
Lumuhod ako para ligpitin ang mga toh.
Wala ng silbi ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/5735989-288-k996973.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are The One
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na nagkakilala lamang sa internet. Malayo sila sa isa't isa kaya hindi nila magawang magkita. Pero dumating ang araw na pumunta ang babae sa tirahan ng lalaki. Abangan niyo ang mangyayari.