Hapon na noon at nag c.r. lang ako sa second floor dahil sira ang sa groundfloor.
Bale ang nasa second floor ay library. Hindi naman ganoon ka pangit ang c.r. pero parang hindi na na rennovate di gaya sa ibang c.r. na binago talaga ang buong mukha nito.
Ang c.r. sa second floor walang pinagbago, preserve ata sa makalumang ystilo.
Kakatapos ko na mag bawas at naghuhugas na ako ng kamay nang biglang...
May lamig akong naramdaman...
ramdamn ko'ng pinapanood ako...
Alam mo kung saan nangaling ang mga tingin, pero takot kang lumingon...
Tumatayo ang balahibo sa likod na para bang may dumadaan na yelo....
Gusto kong sumigaw at tumakbo...
Nakatayo lang ako sa harapan ng salamin...
Hindi ko mawaring nasilayan ko sa salamin may batang sumisilip sa baba ng cubicle!
Di ko na napigilan at sumigaw na ako at tumakbo!
At nang dahil doon pinagalitan ako ng librarian at ng teacher.
Pero buti na lang at naintindihan ako ng teacher, sabi niya matagal na raw may multo doon. Sa tagal ba naman ng eskwelahan, di mawala ang mga elementong iyan.
Dagdag niya pa kaya hindi ginagalaw ang c.r. na yun, dahil baka lumipat sa kung saan rooms sa eskwelahan. Mas mabuti na raw sa c.r. na lang, sumisilip lang naman.
Di na ako bumalik doon.
BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Third Eye
HorrorTanong ko lang, bukas na ba ang third eye mo? Nakikita mo ba sila? Nariring? Nararamdaman? Kung hindi pa, ang swerte mo! Ang hirap kasi pag alam mo may nakatayo, o may bumubulong, at lalo na nararamdaman mo. Oo nakikita ko sila, paminsan binabale w...