Rent

87 8 0
                                    

First year highschool na nang lumipat kami ng bahay. Parati kasing binabaha ang nakaraang tinitirhan, kaya nag desisyon na lang na lumipat.

Andaming bahay na mapagpipilian; bahay na may bar, pero minassacre naman ang huling nakatira; bahay na may second floor, pero tatlong beses nang nasunog; bahay na maliit, pero ang lalayo ng kapitbahay; bahay sa subdivision na hindi gaano kagandahan, pero security wise, okay.

Pinili namin ang bahay sa subdivision. Medyo may kamahalan, pero malapit sa palengke at iilang commercial buildings.


















Tanda ko pa, nung nag house warming at sabay blessing ay may nararamdam na ako. Tinitignan ko sa paligid habang nagdadasal, wala naman akong makitang kahina-hinala.

Pinagkibit balikat ko na lang, maaring hindi pa lang talaga ako nakaangkop sa paligid.

















Makalipas ang ilang araw, papaalis sila mama at papa papuntang Maynila, para sa meeting.

Binigyan kami ng pera at binilin sa amin na wag magaubiling tumawag kay tito kung may problema man, dahil nakatira lang siya sa kabilang subdivision.
















Kinabukasan nang nakauwi na ako sa bahay mga 3pm, mag isa lang ako , dahil si kuya ay 6pm na makakarating galing basketball practice niya.

Nabagot sa kakahintay kay kuya, naisip kong gamitin ang computer na nasa kwarto niya, kaya pumasok na lang ako. Naglaro ng DOTA at nanuod ng youtube videos.
















Nang biglang nagbrown out!

















Kumaripas akong tumakbo sa labas ng bahay.

6pm na hindi pa rin dumarating si kuya nilalamok na ako at naisipan kong pumunta muna sa guard house para dun na hintayin si kuya.

Makaraan ang ilang oras dumating na si kuya. Sabay na kaming pumasok sa bahay at kumain na nakasindi ang kandila.

"Anong oras pa ba nagsimula ang brown out?" Tanong ni kuya habang ngumunguya.

"Past 5 n..."

*BLAG!

May nahulog na baso sa kusina.

Sumama ako kay kuya habang dinadala ang kandila papuntang kusina.

May basag na baso at nakabukas ang bintana pero wala namang nakapasok na pusa.

Bumalik kami sa hapagkainan ng biglang may nasilayan kami sa ilaw ng kandila...

















"Kuya...may nakaupo sa upuan..." pumikit ako at sabay hinawakan ang damit ni kuya.
















"Wala naman ah? Tinatakot mo lang ako" patawang sinabi ni kuya habang papalapit sa lamesa.
















Sumilip ako sa likod ni kuya.
















"KUYA ANJAN PA RIN SIYA NAKAUPO!!!" Tumakbo kami palabas ng bahay

"Wag mo nga akong takutin!" Pagalit na sinabi ni kuya

"Mamaya na lang tayo papasok pag bumalik na ang ilaw nkakatakot eh!" Sambit ko habang hinihila palabas ng gate si kuya

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na ang ilaw at nagpatuloy nang kumain.
















"Ano ba nakita mo" tanong ni kuya

"Itim lang kuya, kahit nasisinagan na ng ilaw may hugis tao akong nakikita na naka upo dito, dito mismo sa kinauupuan ko." Sagot ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumai, nanuod kami ng t.v. at itinanong niya ulit ang nangyari.

"Totoo ba may nakita ka?" Tanong niya na may pagkabahala

"Oo kuya." Sagot ko

"Akala ko minamalik mata ako. Tuwing naliligo o pag nanunuod ng t.v. parang may nakikita akong dumadaan sa paningin ko paligid, wala namang tao." Wika ni kuya.

"Baka may interes sa iyo kuya! Hahahahahah" pabiro kong sinabi

















Makalipas ang ilang oras naisipan na naming matulog. Hindi ko kayang matulog mag isa kaya tumabi na ako kay kuya.
















"Jay gising! Paran..."

Pagmulat pa lang sa aking mata nakita ko ang hugis tao na nakatayo sa likuran ni kuya.

"AHHHHHHHHHHHHH!!!" Sumisigaw ako habang tumakbo palabas ng kwarto

Hinabol ako ni kuya.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo ba't ka sumigaw!" Tanong ni kuya

"Ayaw ko na... " sambit ko

"Ano nga! Para ka nang baliw!" Galit na sinabi ni kuya habang ni lolock ang bahay.

"Dun na tayo kanila tito matutulog" wika ni kuya.

Sinabi ko ang nangyari kay tito, at sinabi niyang magpapablessing na lang ulit pagdating nila mama at papa. At dun na muna kami nakatira kina tito nang isa pang araw.

Makalipas ang isang araw dumating sila mama at nagpablessing agad ng bahay kinagabihan.

Nasa labas lang ako habang kasama si kuya sa may gate.

"Boy ikalawang blessing niyo na ata yan ah? Ano nangyari?" Tanong ni manong guard

"May nagpapakita na multo ho, tinakot tong kapatid ko." Sagot ni kuya

"Ahhh, parehas sa nangyari sa mga nakalipas na nagrerent ng bahay na yan. Kailangan pangalwang blessing, nagpapapansin ata para mabigyan ng dasal" wika ni manong

"Ganoon po ba? Pero hindi na ba babalik yun?" Tanong ko

"Di na nagpapapansin lang talaga yun, bigyan niyo lang ng dasal" sambit ni manong


















Makalipas ang ilang buwan, parati ko parin siya nakikita...

















Nararamdaman....


















Nakaupo sa may sulok...

















Ma ilang ulit na dinadasalan kapag nakikita ko, at nawawala na siya.




















Hindi na ata siya aalis, parang nawawala...












Buhay Ng May Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon