Matagal tagal na kaming hindi nagkikita ng mga kababata ko. Nang na tsempohan ko na darating sina Jake at Noel niyaya ko sila sa konteng salu-salo.
Magandang lugar kung doon na lang sa may bakuran ng bahay ihahanda para presko at hindi gaanong mainit.
Gabi na nang natapos ko ang paghahanda.
Unang dumating si Noel at sumunod ay si Eric. Makalipas ang ilang minuto magkasabay nang dumating si Jack at si Edward.
"WASSUP TOL! IT'S BEEN A LOONG TIME!" Pambungad na pagbati ni Noel sa akin.
"Doing great bro! Kelan na nga ba? 10 years na walang pagkikita! Daya niyo kasi nagsi-alisan kayo sa bansa. Kami lang ni Eric ang naiwan dito." Wika ko habang inaakbayan si Eric.
"Taya niyo bukas ha? Para naman maka tikim kami ng istets side!" Patawang sambit ni Eric.
"WOAAAH!!! Aren't we too big in this backyard?! I DON'T THINK IT WILL HANDLE US! HAHAHAH" pasigaw na sinabi ni Jack habang papalapit sa amin
"Bro! Ibang iba na ang aksent mo tol! Para ka na talagang kano!pero mukha ka paring kargador!" Ika ko habang niyapos si Jack
"I brought loads of beers bro! Antagal na talaga! Parang matagal tagal na usapan to!" Wika ni Edward dala dala ang isang tray nang beer
Kumain at nang makalipas ang ilang oras, nagkabiruan na.
Wala namang gaanong nagbago sa amin kundi ang aming itsura, parehas pa ring mapagbiro sa isa't isa at walang pakundangang pangiinsulto.
"Tol grabe hindi parin ako makapaniwala nagpakasal na nga kayo ni jen! Grabe problema niyong dalawa noon!" Sabi ni Eric kay Jack
"Naman! Patay na patay kaya siya sa akin!" Pabirong sinabi ni Jack
"Tanda ko pa nga noon dito mismo kayo nag camping ni Jen Honeyversary niyo ata yun! Ang INGAY! HAHAHAHA" tawa ko
"Parang ganito rin! Malamig dagdag mo pa ang malakas na bango ng ylang ylang!" Wika ni Jack habang ngumungusa sa pag amoy
Tinignan ko si Eric at si Edward, nanindig ang aking balahibo nang marinig ko yun...
"Tol mahigit 10 years nang wala ang ylang ylang. Pinagtulungan nga nating tanggalin. Diba?" Sambit ko na may pagkatakot.
"Bro wag kang magbiro... naamoy ko talaga, kanina pa."
Natakot kaming lahat at nagpatuloy na lang ang inuman sa loob ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/55479627-288-k72169.jpg)
BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Third Eye
HorrorTanong ko lang, bukas na ba ang third eye mo? Nakikita mo ba sila? Nariring? Nararamdaman? Kung hindi pa, ang swerte mo! Ang hirap kasi pag alam mo may nakatayo, o may bumubulong, at lalo na nararamdaman mo. Oo nakikita ko sila, paminsan binabale w...