Alam ko marami sa atin ang may alam tungkol sa tuko. Nabalitaan na magandang pangpawala ng hika! Drug mule! At isa sa pinakamahal na maaring mabenta na hayop sa black market.
Dahil siniswerte ako at minamalas dahil sa third eye na to ibang tuko naman ang naranasan ko.
Nangyari ito nung college ako. Sa bahay ng kaklase ko. Birthday ng kaibigan kong si John at dun nagpakain sa amin magbabarkada.
Biro pa nga namin ilang dekada na bang lumipas sa bahay nila, second floor, 5 rooms, 1 bathroom, ang laki ng bintana at pintuan, all wood from floor to wall at andun pa lahat ng ari-arian ng lolo at lolo nila.
Parang typical na na horror movie setting ang bahay nila. Spanish era, may white lady kuno, o pugot na ulo na pari at kung ano ano pa. Pero buti na lang at wala akong naramdaman.
Maaliwalas at mahangin ang buong bahay, no need aircon kumbaga.
Magkasama na kami apat sa isang kwarto, ako, Eric, Josh at Allen. Nagpaalaman na kami na mag oovernight kami kanila John dahil birthday nga niya.
Hapon pa nang nakaidlip na kami kakahintay sa party.
Tooookoooo!
"Narinig niyo ba yun?" Tanong ni Josh
"Ang alin?" Sagot ko naman
"Yung Tuko! Tuko!" Ika ni josh
"Hmmm wala naman kaming nariring baka guni guni mo lang, dahil naadik ka na kakadampot ng tuko sa bahay niyo" patawang sinabi ni Allen.
Lumabas na lang kami at tumulong sa nga lutuin para sa party.
Kung hindi ka ba naman engot para tumulong sa dami ng niluto, aba'y tanga nga kami, dahil hindi pa lang nagsisimula ang party napagod na kami kakatulong.
Nang nagsimula na ang party napalingon si Josh sa c.r.
Toooookoooooo!
"Pare may naririnig talaga akong tuko, teka lang ha? Huhulihin ko lang" sabi ni josh.
"Pare wag na baka pinaglalaruan ka lang ng mga maligno dito sa bahay, alam ko na, pinagtritripan ka lang nila!" Patawang sinabi ni John.
Hindi na pinuntahan ni Josh sa kung saan nanggaling ang tuko.
Kumain kami ng marami, at ang daming karibal na bisita sa pagkain. Masarap din pala kumain sa pinagpaguran mong lutuin.
Makalipas ang ilang oras na pag-uusap sa mga pinsan ni John at sa mga kaibigan niya, nagsialisan din sila at nag ayos na kami sa mga hugasin.
"Ang katulong na namin ang bahala sa hugasin, baka makabasag pa kayo ng pinggan sa pagod niyo" wika ni John sa amin.
Buong magdamag naglaro kami ng ps4 at naginoman na rin.
"Pare, pagnakakarinig kayo ng tuko, aasahan niyo na wag niyo na lang pansinin, matagal na rin ako dito, pero ni isang pagkakataon wala talaga akong narinig." Sabi ni John
"Pero halos lahat ng katulong namin nakarinig ng tuko na nanggaling sa likuran ng bahay. Binibiro ko pa nga sila na may malaking tuko na kaming inaalagaan, para hindi lang sila matakot" dagdag ni John
"Hindi naman ako takot sa tuko, interesado lang talaga ako sa kanila, dahil marami na rin akong nabenta at nakakatukong pa ako sa gastusin sa bahay." Sabi ni Josh
"Oo nga nalibre mo nga pala kami nuong isang araw dahil sa laki nang tukong nahuli mo diba?" Ika ni Allen
Magdamag kaming nagusap, nagtawanan at di kalayuang nakatulog din.
Tookooooo
(Napagising ako, madilim na at nakatulog na lahat ng tao sa paligid ko...)
Toooooookooooooooo
(Ahy tinatakot ata ako dahil ako lang gising, kung alam niya lang may third eye ako mas nakakatakot pa ang mga na experience ko.)
TOOOOKOOOOO!!!
Napatago ako sa kumot tabi ni Allen sa lakas ng tuko na yun!
Tumahimik naman at napaidlip ako
TOOOOOOOOKOOOOOOO!!!
"POTAAAAAAHHHHHH!!!!" Sigaw ko
"Huy anong nangyari sa'yo?!" Tanong nila
"Putang inang tuko naman yan oh! Sa tenga pa ako sinigawan! Lang ya!" Pagalit kong sinabi
"Maglaro na lang tayo dota, dinala niyo naman ang laptops niyo diba? Lan party na lang muna tayo" sabi ni John.
Naglaro kami ng ilang oras nang may nasilayan ako sa may aparador.
"Pare matagal na bang sira bintana niyo at hindi gaanong nasisirado?" Tanong ko ke John
"Oo kahit anong ayos ko sa lock niyan hindi parin nasisirado eh" sagot ni John
"Tol lipat nga tayo, ako jan sa may bintana." Sabi ko kay Allen
Nakaupo na ako sa may harap ng bintana.
Ilang oras din nakalipas at maganda na ang winning streak! Nang biglang
toooookoooooo
(Nasaan ka ngayon?) Sabi ko sa sarili ko
TOOKOKOOOOOO!!!!
(lumabas ang ulo sa aparador)"POTA!!! JOHN! MAY MALIGNO SA MAY BINTANA NIYO!!! POTANG INA!!! NAGMIMISTULANG TUKO!!!" Sigaw ko
Narinig namin na biglang tumakbo ang tatay niya papunta sa amin
"Anong meron? May nasaktan ba?" Tanong ni tito sa amin
"Wala ho! May adik lang kaming kasama!" Patawang sagot ni Allen
"Tang ina naman Allen oh! Kelan pa ba ako nagsinunglaing? May maligno nga dito! Nagpapanggap na tuko!" Galit kong sinabi ke Allen
"Wag na kayo mag away, sa tanda ng bahay na to, pamumugaran talaga ito ng maligno, pero sa tingin ko, wala naman namatay sa takot sa pamilya ko? Mga katulong namin at bisita lang ang nakakarinig. Baka pinoprotektahan lang kami" sagot ni tito
"Ahy baka nga ganon, dapat siguro nagpaalam muna tayo bago kayo natulog dito, para bang respect" sagot ni John
Nagpalipas ng oras na lang kami sa sala habang dumating na ang aming sundo at humingi ng pasensya si tito sa mga nangyari.
Buti na lang ngayon, hindi na kami tinatakot pag dun kami nag oovernight kanila John.
...
Ang ikinatakot ko lang ay nung sumigaw siya sa tenga ko. Gaano ka lapit niya ako sinigawan. Paano pa kaya kung wala kang third eye, wala kang malay na nasaharapan mo na o magkatabi na kayo ng maligno.

BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Third Eye
HorrorTanong ko lang, bukas na ba ang third eye mo? Nakikita mo ba sila? Nariring? Nararamdaman? Kung hindi pa, ang swerte mo! Ang hirap kasi pag alam mo may nakatayo, o may bumubulong, at lalo na nararamdaman mo. Oo nakikita ko sila, paminsan binabale w...