Ang christmas caroling ay isa sa traditiong kinalakihan na nating lahat. Basta nagsimula na ang -ber months alam na nang lahat na magsisimula na rin ang caroling.
Nagkakaiba ang mga taong na ngangaroling, anjan ang mga bata, mga matatanda, at mga professional o sa choir nanggaling. Basta ang alam natin ay ang dala ng caroling ay puno nang saya sa bawat tao.
Maliban sa akin...
Bata pa lamg kami ng mga pinsan ko, parati kaming nangangaroling sa subdivision. Lumaki na kaming yumayaman pag dumating na ang -ber months. Paminsan kasi the earlier the better para mas maraming maibigay.
"Jomar, matagal na rin tayong dito parati sa subdivision nangangaroling, nakakabagot na taon-taon parati na lang parehas." Ika ko
"Jay, ang hirap kasi kung sa kabilang subdivision tayo mangangaroling, baka may magalit na ibang carolers pag doon tayo." Sagot ni Jomar habang nagbibilang ng barya.
"Alam ko na, paano kung isama natin sila Joan at Mark, para kung mas marami hindi agad tayo mapagiinitan." Ani ko sa kanya
Kinabukasan timungo kami kina tito Art para isama sina Joan at Mark mangaroling sa kabilang subdivision.
Gabi na nang nagkita-kita kaming lahat para sabay na tumungo sa kabilang subdivision.
"Ayeeeee! Anlalaki ng bahay dito ah? Ano to millionaires subdivision ba to?" Tanong ni Joan
"Oo noon, pero ngayon marami nang ibinenta ang kanilang bahay para sa mga bagong condotel sa downtown. Same sa kaibigan ko na nakatira dito noon." Sagot ni Jomar
"Tara start na tayo!" Sabi ko
Malayo layo na rin ang aming nalakad kaka caroling. Mga ika labing pitong bahay na ang aming na bisita.
*give love on christmas....
"Wow! Daming tao ah! May party ata!" Sigaw ni Mark habang pinapanood ang mga tao sa loob.
"Wala atang nakakarinig sa atin..." wika ni Jomar
"Tara na gabing gabi na, marami naman din tayong natanggap na pera. Bukas na lang tayo babalik!" Wika ko sa kanila habang papaalis.
Kinabukasan ng gabi, bumalik kami sa kabilang subdivision
"Mas madali ata rito na rota kesa nung kahapon, magkakadikit ang mga bahay dito eh! Abot na ata sa 25 na bahay ang ating nabisita" wika ni Mark habang naglalakad.
"Balikan natin yung bahay kahapon, baka wala nang party!" Ani ko sa kanila
Nang dumating kami sa bahay na iyon, nagsimula na kaagad kami mangaroling.
(Natapos na ata ang party, masyadong tahimik na ngayon...)
"Ahy mga bata! Eto oh! Dinagdagan ko na rin yan, kasi kahapo hindi na ako lumabas para bigyan kayo kasi nahihirapan akong tumayo, nagkasakit kasi ako kagabi" wika ng ale.
"Okay lang po yun!" Pangiting sinabi ni Joan
"Okay lang po yun, sa dami ba naman ng bisita ninyo, tiyak sasakit po ang ulo niyo!" Wika ni Mark sa ale
"Party? Mag isa lang akong nakatira dito sa bahay, baka malakas lang ang sounds ng t.v. ko" litong sinabi ng babae
Naramdaman na naming may mali at tumayo na ang aming mga buhok sa katawan....
"Hindi po... marami po kaming nakitang taong sumasayaw sa loob mismo!" Ani ko nang may pagkabahala?
"Na...Nakita po namin sila lahat, naaninagan po namin sa labas, habang sumasayaw sila" takot na sinabi ni Jomar.
"Hoy mga bata! Wag kayo manakot! Pasalamat pa nga kayo binigyan ko kayo ng pera! Ayan na nga oh bayad kahapon!" Galit na sinabi ng Ale habang pabalik sa bahay.
Nang nakapasok na siya sa bahay...
Nakita namin ang mga taong sumasayaw sa loob ng bahay...
Takot na takot kami sa aming nakita...
Nagsitakbuhan na kaming lahat papalayo sa bahay.
Huminto ako at tinignan uli ang bahay, gayun din sina Mark, Joan at Jomar...
Na dapat hindi na namin sana ginawa...
Nakatayo lang ang mga ito na naaninagan ng ilaw sa loob ng bahay...
Parang pinapanood kami habang lumalayo sa bahay....
At sa taunang pangangaroling naming hindi na kami ulit bumalik doon...

BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Third Eye
TerrorTanong ko lang, bukas na ba ang third eye mo? Nakikita mo ba sila? Nariring? Nararamdaman? Kung hindi pa, ang swerte mo! Ang hirap kasi pag alam mo may nakatayo, o may bumubulong, at lalo na nararamdaman mo. Oo nakikita ko sila, paminsan binabale w...