Hindi Nakikita

153 7 0
                                    

Ang aso ay tinatawag na man's bestfriend. Tinuturing na natin silang kapamilya at paminsan mas mahal pa.

Pero paminsan hindi natin sila naiintindihan.
















Tumatahol sa kawalan na para bang may kaaway...
















Umiiyak papalayo sa dilim na takot na takot...















Umaangil sa sulok na wala namang tao...
















At sa di inaasahang pagkakataon tinititigan tayo na parang hindi nila tayo kilala...

















Maraming pagkakataon na nangyayari ang mga ito sa atin. Maaring may nakikita sila, nariring, naamoy o nararamdaman.

Sabi nga ng ilang experto iba ang kanilang pagtingin, pandinig, pangamoy at pandamdam dahil mas malakas ito kaysa sa atin.

Di ko mawari, na masasaksihan ko ang isa sa nakakapanindig balahibong karanasan.

...
















Bata pa lang ako nakakakita na ako ng mga sinasabing multo o maligno. Sabi nga ng lola ko, napasa raw sa akin ang third eye ng angkan.

Sa tagal na nakikita ko sila, hindi na gaano ako naapektohan. Para bang kasali na talaga sila sa mundo ko.

Hindi naman ako baliw, dahil nung minsa nga sa mall mismo ang saleslady nakakita din sa parehong multo na nakita ko sa harap ng cashier.

Nangyari lang na hindi ko inaasahan na sa tagal at tanda kong ito matatakot pa ako.


















Binigyan ako ng aso ng tito ko. Birthday ko yun 4th year highschool. Wika niya, hanggang graduation na ang regalo kong iyon.

Pinangalanan ko siyan Marley, idolo ko kasi si Bob Marley, yung reggae singer.

Mabait siya, maamo at nakakatawa dahil ang breed niya ay dachshund, yung parang hotdog.

Naabutan ko pagtapos kong maglaro sa labas ay parati kong nakikita siya sa harap ng bintana ng aming kapitbahay. Tumatango, parang nakikipaglaro sa hangin.

Kaya nung minsan nung tumungo kami sa Maynila, pinasuyo namin sa kapitbahay na matatanda. Kasi alam ko masisiyahan sila at mismo si Marley, dahil sa kanila ang bintana na kung saan siya nakikipaglaro.


















One week ata kaming nawala, na miss ko rin si Marley lalo na ang kunot nitong mukha.

"May sakit ata tong aso mo hijo, matamlay at paminsan lang kumakain." Wika ng matanda na may bahid ng pagalala kay Marley.

"Ganoon po ba? Kelan po nagsimula? Baka na miss niya lang po ako" patawang sinabi habang hinihimas ang tiyan ni Marley.















"Nung isang araw lang hapon ata iyon, nagulat ata dahil sa lakas ng hangin na biglang sumira ang bintana sa may sala." Wika ni lola

"Ah sige po! Wag na po kayong mag alala, aki na po bahala kay Marley... Salamat po!" Wika ko habang papalabas ng bahay.














Matapos ang dalawang araw na pag aaruga, bumalik sa sigla si Marley na para bang walang nangyari. Naglalaro kami sa labas at loob ng bahay. Kumakain na rin siya ng maayos.

















Buhay Ng May Third EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon