Ikadalawampu't isang Kabanata Ang Pagpapatuloy

87 2 0
                                    

Mahimbing ang kanyang tulog at hindi na niya namalayan kung ilang oras ba siyang nanatiling ganun. Pagdilat ng mga mata niya ay nakita niya si Mayari. Hinaplos nito ang kanyang noo.

"Kamusta ang iyong pakiramdam, Helena?"

"Impyerno."

Lumapit si Azrael sa kanyang tabi. Tumayo si Mayari para iwanan sila. Mahigpit na hinawakan ni Azrael ang kamay ng dalaga. Mahina pa rin siya kung tutuusin.

"Akalain mo yun. Si Ibyang na kasama ko sa dorm, may kapangyarihan tulad ko. Pero aminado ako, kundi di siya dumating, natalo na siguro ako. Paano nga pala niya nalaman na kailangan ko ng tulong?"

"Ako ang nagpadala sa kanya. Siya ang naiisip kong makakatalo sa taong apoy. " sabi ni Azrael habang nakamasid kay Helena.

"Saan niya nakuha ang ganoong kapangyarihan? Wag mong sabihing anak siya ng isang diyos tulad ko.'

"Ganoon na nga. Anak siya ni Amanikable, ang diyos ng karagatan sa isang babaeng mortal. Ang pitong diyos ay may kani-kaniyang anak sa mga babaeng mortal. Kailangan mo silang mahanap para labanan ang kampon ng iyong ama at bantayan ang orakulo. Sa ngayon ay kailangan mo munang lumagi rito para magpagaling at magsanay."

Sa mga oras na iyon ay bumukas ang silid na kung nasaan naroroon ang orakulo. Marahang naglakad ang taong may balabal na kulay asul papalapit sa orakulo. Hinawakan nito ang salamin. Kusa itong nagbukas. Nagningning orakulo ng kanya itong hawakan. Buong pag-iingat nitong kinuha ang orakulo at isinilid sa isang kahon. Naramdam ni Bathala ang paggalaw ng orakulo kaya't mabilis itong tinungo ang kinalalagyan. Naabutan niya ang taong naka-asul na balabal.

"Tigil! Ibalik mo ang orakulo at kung hindi ay..."

Biglang humarap sa kanya ang magnanakaw. Napatigil si Bathala sa kanyang kinatatayuan. Nagulat siya sa nakita.

"Tala?..."

Kung hindi siya pinaglalaruan ng kung anong maligno, ang nasa harap niya ngayon ay ang totoong si Tala, ang inaakalang anak na namayapa. Ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Hindi siya kilala!

Nagtangkang pigilan ni Bathala ang salarin ngunit parang may mahika na bumalot sa kanyang katawan at hindi niya maigalaw ito. Tumulo na lamang ang kanyang luha, na maaaring bunga ng pagkawala ng orakulo o biglang pangungulila sa anak na minsan ng nawala. Walang anu-ano ay biglang naglaho si Tala, bitbit ang orakulo.

Sa pagkawala ng orakulo ng mga oras na iyon ay nagsimula na ring mawasak ang balanse ng masama at mabuti sa mundong ginawa at minahal ni Bathala. At sa gitna nito, matayog na nakatayo ang diyos ng Kasanaan at ipinagdiriwang ang kanyang tagumpay.


HelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon