Ikalawang Kabanata Mga Pangitain

251 4 0
                                    

Please like my facebook fan page at https://www.facebook.com/helrosegallardo. Sana magustuhan nyo. Feel free to put your comments and ratings for my work.

.

.

.

.

.

.

Anim na buwan bago ang trahedya sa may bakanteng lote sa Bulacan, ay masisilayan natin ang isang struggling journalist, si Helena Perez. Siya yung babaeng pag nakita mo ay hindi mo gaanong bibigyan ng pansin. Balingkinitan, maputla at walang kabuhay-buhay. Bata pa lamang siya ay malabo na ang mga mata nito. Kaya’t ang lente niya sa magkabilang mata ay umabot na ng 200. Mahihiya si Betty Lafea sa kapal ng salamin na suot niya sa pang-araw-araw. Pangarap ni Helena ang maging isang sikat na mamamahayag kaya’t ito ang kursong iginapang sa kolehiyo. Sumali siya sa kanilang school paper bilang news writer pero sa sobrang mahiyain niyang kumausap ng tao upang makakuha ng mga inpormasyon, nagdesisyon na lang ang kanilang editor na literary writing na lang ang gawin niya. Sa loob ng apat na taon ay ganun ang sinusulat niya at halos tatlo lang ata ang nailathala. Samantalang ang iba niyang kasamahan sa publication, kada may issue may article sila. Sa mga panahon na ito ay nararanasan na ni Helena ang diskriminasyon. Ngunit hindi siya nasiraan ng loob na ipagpatuloy ang minimithing pangarap. Pagkatapos ng kolehiyo ay nagpasa siya ng  resume sa mga opisina ng pahayagan sa Intramuros.  Sa Manila Bulletin, Philippine Star, Inquirer at kung anu-ano pang broadsheets na sikat sa Maynila. Pero dedma ang application niya.

                Sinubukan naman niyang pumasok sa mga tabloid. Umabot siya ng mga sampu na inaplayan hanggang sa matagpuan niya ang News Buzz na pagmamay-ari ni Budz Hortaleza. Hindi naman ito isang malaking tabloid at ang mambabasa nito ay hindi din gaanong marami. Dahil sa hindi sikat ang dyaryo na ito, nagdadalawang-isip siya na tanggapin ang alok nito na maging isang news beat writer. Baka lalong malugmok ang career niya sa pagiging journalist, tapos puro krimen at patayan pa ang isusulat niyang balita. Tapos kailangan hanggang madaling-araw nalilibot niya ang Kamaynilaan. Pero sa isang banda, mabuti na ito kaysa sa walang trabaho. Lahat naman ng magaling na mamamahayag ay nagsimula sa ibaba. Maaari niya itong gawing stepping stone para maging matagumpay. Nag-ring ang cellphone niya nun Lunes, si Budz mismo ang tumawag.

                “Pwede ko bang makausap si Ms. Helena Perez? Si Budz Hortaleza ito from News Buzz.”

                “I-ito nga poh si Helena. Tungkol poh ba ito sa job offer nyo as news beat writer?” pag-aalinlangan niyang tugon.

                “Yup. So ano na, willing ka bang tanggapin ang pinaka-prestigious na trabaho sa mundo ng pahayagan?” tanong ni Budz ng may pagmamalaki.

                Hindi agad tumugon si Helena. Pansamantalang nag-isip kung anong sasabihin. Sa boses pa lang ay mukhang presko ag magiging boss niya. Baka nga may favoritism din ito tulad ng editor niya sa school paper.

                “So ano na, darling? Alam mo ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung pinaghihintay ako.”

                “Ay sori poh. Uhm, sige poh, tinatanggap ko na yung trabaho.”

                Hindi niya alam kung tama ang pag-oo niya sa mga oras na ito. Bahala na si Batman, sabi nga nila. May magandang mangyayari naman siguro. Hindi mo naman malalaman hanggang hindi mo sinusubukan.

                “Very good, Helena. Please report to my office tomorrow, at 7 am sharp. I have an attractive employee package na iaalok sa iyo. Magugustuhan mo talaga ang pagtatrabaho sa akin, ah este, sa publication pala. Kitakits na lang huh?”

HelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon