Ikalimang Kabanata Ang Mapait na Katapusan

136 4 1
                                    

“Bakit hindi mo kami tinulungan? Bakit pinabayaan mo kaming mamatay? Ang lupit mo!”

                Pilit siyang dinuduro ng dalawang bata. Hindi gaanong malinaw ang kanilang itsura dahil halos mapuno ng dugo ang kanilang katawan. Isang batang maliit at may dalang sanggol. Pamilyar ang mga batang ito, parang nakita na niya ang mga ito. Nasa isang lugar sila na napapalibutan ng apoy. Mainit ang haplos ng hangin, halos malapnos ang kanyang balat habang nasasagi siya nito. Patuloy pa rin ang paninisi ng mga bata. Iyak ng iyak ang sanggol. Sumisirit pa rin ang dugo galing sa sugat nito sa leeg.

                “Sana ay niligtas mo kami kay Tatay. Hindi na matutupad ang pangarap kong maging titser. Hindi na din makikita ng kapatid ko ang magandang palaruan dun sa plaza. Wala na. Wala na ang lahat.”

                Nakakadurog ng puso ang mga katagang iyon. Parang isang matalim na kutsilyong itinatarak sa kanyang dibdib ng paulit-ulit.

                “Ano ba ang kaya kong gawin? Ako ay isang mahina katulad ninyo, marupok, takot.”

                Ayaw pa rin huminto ang mga panunumbat. Mas lalo pang lumalakas ang boses ng bata.

                “May magagawa ka. Katulad ng mga pangitain mo, magagawa mo yun.”

                Umiling-iling siya. Hindi matanggap ang mga naririnig. Tumigil sa pagdaing ang mga bata. Napalingon ito sa isang malaking lalaki na papalapit sa kanila. Nakatalukbong ito, tulad ng dati.

                “Oras na.” Tawag ng lalaki.

                Mabilis na sumunod ang mga bata. Hinawakan ng lalaki ang kamay ng bata. Ngayon niya lang nakita itong ngumiti. Luminis din ang katawan at mukha nito, nagmukhang anghel. Tinungo nila ang puting liwanag. Bago pa sila lamunin ng nakakasilaw na liwanag na iyon ay nilingon siya ng lalaki.

                “Inaantay ko ang iyong pagdating. Sa muling pagkikita.”

                Tuluyan ng nawala ang lalaki. Nakaramdam siya ng pag-uga ng lupa. Nabiyak ang kanyang kinatatayuan. Nagsisisigaw siya. Tuluyan ng bumuka ang lupa, kinain siya nito.

                Napabalikwas si Helena. Hinahabol ang hininga, pawisan. Salamat, salamat. Isang panaginip lang muli. Dali-dali siyang bumangon at tinungo ang banyo. Sumuka siya kahit wala namang ilalabas. Nagtagal siya dun ng halos limang minuto. Nakakatakot na talaga ang mga pangitain na ito.

                Sa araw na ito ay nasa opisina lamang siya. Walang kasong binibigay sa kanya. Pati si Mercy ay nakatengga din. Mukhang sa mga batikan napupunta ang mga news beat ngayon. Dahil sa magkalapit lamang ang kanilang mesa, naging daan ito upang makapag-usap sila.

                “Kamusta ka naman? Parang hindi ka pa nakaka-recover sa nangyari ah? Sa trabahong ito dapat ay may short-term memory ka lang. Hindi dapat nagtatagal sa isip mo ang mga masasamang nangyayari sa bawat kaso. Kapag hindi mo agad naiwala yan sa sistema mo, hindi ka tatagal.” payong kaibigan ni Mercy.

                “Alam ko naman yun. Ganoon talaga siguro kapag first time. Huwag kang mag-alala, seryoso ako sa trabahong ito. Susundin ko yang sinasabi mo. Ilan taon ka na nga pala dito?” usisa ni Helena.

                “Dalawang taon na rin. Nakakatuwa nga eh kasi yung mga kasabayan ko sa ibang dyaryo ay puro lalaki. Iilang lang kaming babaeng photographer. Sa una talaga, pagsusulat ng balita ang inaplayan ko. Pero dahil sa umalis yung photographer nila nun, tinanong ako ni Dexter kung marunong din akong kumuha ng litrato. And so they say, the rest is history.”

HelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon