Ikalabinlimang Kabanata Ang Pangungulila

41 1 0
                                    

Napansin niya ang pagkuyom ng mga palad ni Helena. Pinipilit nitong pigilan ang panginginig ng katawan. Sa tindi ng kanyang galit ay nagliyab ang alpabeto ng kamatayan sa kanyang mga bisig. Pulang-pula ang kanyang mga mata, nangangalit ang mga ngipin. Nagbukas ang portal ng Kasanaan upang higupin ang isang nilalang na kanyang kinamumuhian. Ang dating maganda at maamong mukha ay naging kalansay ang kalahati, ang tunay na anyo ng kanyang budhi. Sa kanyang kanang kamay ay lumitaw ang litrato ng kinilalang ama. Nagsayaw ito sa hangin at maya-maya pa ay nahati ito sa maraming piraso. Pinabayaan lamang niya si Helena na ilabas ang kanyang nararamdaman. Upang mapakalma ito ay ipanatong ni Sidapa ang kanyang palad sa ulo ni Helena. Unti-unting bumalik ang kanyang dating anyo. Isang senyales na humupa na ang kanyang galit. Hindi pa rin maalis-alis ang tingin niya sa malamig na bangkay ng ina.

                "Isang kasinungalingan lang ang lahat sa aking pagkatao."

                "Mayroon ka pang dapat malaman, Tala."

                "Parang hindi ko na kakayanin pang makarinig ng mas marami pang kasinungalingan. At mukhang nagkamali ka yata sa pagsabi ng aking pangalan."

                Bahagyang ngumiti si Sidapa na ikinainis naman ng kausap.

                "Kahit ako'y nabuhay na ng ilang daang taon ay matalas pa rin ang aking isip. Gusto kong mas makilala mo ang lalaking pinaniwalaan mong iyong ama."

                Sarado ang isip ni Helena. Kung minahal man niya ang lalaki sa larawan ay nawala na ito. Nahihirapan na siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Gawa-gawa lang ang lahat upang hindi siya gaanong masaktan. Pero sa isang banda ay naroon pa rin ang pagnanasang malaman ang katotohanan. Ang unti-unting pagbuo ng mga piraso ng jigsaw puzzle ng kanyang buhay.

                "Kailangan mong malaman ang tungkol sa propesiya."

HelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon