Hindi Tao. Hindi Hayop.

46 8 0
                                    

Entry #4

Hindi Tao. Hindi Hayop.

Bagay: Hindi tao. Hindi hayop.

Ngunit bakit parang pakiramdam ko ay isa akong bagay?

Isang uri ng bagay na lalapitan lamang kapag kailangan. Kukunin lamang pag wala ng magawa. Isasama lang kapag wala ng maisamang iba. 

Ginagamit para sa sariling kapakinabangan. Ginagamit para sa pansariling kasiyahan. Ginagamit para lang di magmukhang nag-iisa.

Matapos ang lahat, matapos akong mapaniwalang siya na ang taong itinadhana para sa akin ay nawala na lamang siya ng parang isang bula.

Para siyang isang charger na hindi pala compatible sa akin.

At para naman akong isang susi na hindi ko magawang mabuksan ang kaniyang nakakandadong puso.

Iniwan niya akong gamit at puro gasgas.

Iniwan niya ako ng souvenir ng mga markang hindi na kailanman mabubura.

Iniwan niya akong may sandamakmak na tinik sa aking puso.

Tinanggap ko ang lahat ng hirap at sakit. Tinanggap kong isa lamang akong bagay na iyong trip lamang. Tinanggap ko ang katotohanan na ako'y isa lamang sa mga nabibili mong bagay.

Ginamit. Pinaglaruan. Sinira.

Wala ng ibang makikinabang pa.

#UserFriendly


'Wag Lang MapunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon