AFSGJFQTUF...

20 9 0
                                        

Entry #2

AFSGJFQTUF...

Mga salitang hindi ko masabi. 

Mga salitang hindi mamutawi sa aking mga labi.

Mga salitang baka itatago ko na lang panghabangbuhay sa aking sarili.

Matagal ng napapadpad kung kani-kanino itong aking mga mata ngunit bakit ba pag ikaw ang nasisilayan ay di na matanggal pa ang aking mga mata na mistulang dinikit ng glue sa sobrang pagkatitig.

Nagpapansin. Nagpakilala. Nagpakakaibigan.

Napansin kong may nag-iiba na sa aking sarili.

Bakit di na ako mapakali? Bakit ganun na lamang ang pagpapahalaga ko para sa kaniya? Bakit nakakadama ako ng kakaibang pakiramdam sa tuwing siya'y kasama? Bakit di ko magawang alisin siya sa aking isip? Bakit nakakagawa ako ng mga bagay na ngayon ko lamang nagagawa ng dahil sa kaniya?

Lumipas ang panahon at aking napagtanto na iba ka sa lahat ng babaeng kilala ko. Iba sa paraang hindi ko maipaliwanag. Iba sa paraang para sa 'kin wala ng iba pang makapapantay sa 'yo. Iba sa paraang nag-iisa lang ang tulad mo. Ang iyong ganda, ngiti, boses, at kagandahang loob ang lubos na nakapang-akit sa akin.

Ngunit heto ako at natatakot. Heto ako at naduduwag na naman.

Isang napakagandang pagkakaibigan ang nakasalalay dahil sa aking gagawin kaya naman mas napili kong ito'y itigil.

Mga salitang gusto kong sabihin. 

Mga salitang nais mamutawi sa aking labi.

Mga salitang nakatago na sa aking pusong pilit na isinisigaw ang aking tunay na damdamin.

Mga salitang hanggang dito ko na lang masasabi.

Mahal kita at wala ng iba.  

#Makata <3



'Wag Lang MapunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon