Entry #3
Gunita
Malakas at malamig ang simoy ng hangin.
Tunay na napakasarap sa pakiramdam.
Tumatagos sa aking balat na para bang iyong hinahaplos. Damang dama ko ang iyong mahinang pagbulong na siyang kumikiliti sa aking tainga. Damang dama ko ang pag-ibig nating dalawang malumanay na nagbibigay sigla sa natutulog at pagod ko ng puso.
Napapikit ako at hinayaang dalhin at iihip ng hangin ang aking imahinasyon papunta sa kawalan.
Nagsimulang magbalik at sumariwa ang lahat.
Nagsimulang mabuhay sa aking isip lahat ng mga nangyari.
Ang saya't galak na pinagsamahan. Ang lahat ng hapdi't sakit na pinagdaanan. Lahat ng malalim na sugat na iniwan ng mapait na nakaraan. Lahat ng mga bagay na sana'y patuloy pa rin nating ginagawa.
Nagsimulang pumatak ang aking mga luha patungo sa iyong nanlalamig na mga kamay
Pinunan ang mga pagkukulang.
Pinadama ang tunay na nadarama.
Naging masaya sa piling ng isa't isa.
Mga alaalang di kailanman matatawaran. Pagmamahal na di kailanman matatangay ng agos ng karagatan. Mga pinagsamahang di mabubura ng oras magpakailanman.
#Tragic
BINABASA MO ANG
'Wag Lang Mapuno
De TodoCompilation ng mga Entries na tungkol sa mga intense emotions na aking naramdaman at naranasan o naisipan at napagtripan. In short HUGOT! :)