Entry #9
BARYA
Minsa'y iniipon bago gastusin.
Madalas ay laging laman ng bulsa natin.
Laging ipinambabayad at ipinangsusukli.Kaya naman mahigpit mo itong hinahawakan para di maagaw ng iba.
Mahigpit mong tinatago't pinoprotektahan para sayo'y di mawala.Ngunit minsan ay basta basta mo na lang ipinamimigay at inihahagis hagis.
Minsan pa'y pinaglalaru-laruan pampalipas ng oras.Minsa'y kapag nahulog pa ay hindi mo dinadampot.
Maiwan ma'y hindi mo na binabalikan.
Mawala mo man ay hindi ka mababahala.
Hinahayaan mo na lang dahil halos wala na itong halaga at pinababayaan mo na lang dahil para sa iyo'y wala naman itong kwenta.Ngunit ito ang iyong pakatandaan, tanging barya lamang ang nagiging buo na mas lumalaki ang halaga.

BINABASA MO ANG
'Wag Lang Mapuno
Ngẫu nhiênCompilation ng mga Entries na tungkol sa mga intense emotions na aking naramdaman at naranasan o naisipan at napagtripan. In short HUGOT! :)