Signal #3

41 9 1
                                        

Entry #1

Signal #3

Ganyan ko mailalarawan ang bugso ng aking damdaming nadarama para sa iyo. Humahagupit. Dumadagundong. Makatanggal bubong. (XD)

Parang sa bagyo na dahang dahang nabubuo at lumalapit. 

Parang tulad ng sa bagyo na pinaghahandaan ng lubos. 

Tulad ng sa bagyo na patuloy na binabantayan at fino-forecast.

Pero hindi mapipigilang dumating sa panahon na huhupa rin ang bagyo. 

Dadaanan ka lang at iiwang sugatan at ubos. 

Kahit na pinaghandaan mo ng lubos ay may maiiwan pa ring marka sa iyo. 

Ilan araw o linggo ka mag-aayos. Ilang araw o linggo ka magtatry mag move-on. Ilang araw o linggo ka magpapakalugmok.

Pero nagdaan na siya. 

Dinaanan ang maraming bundok at burol. 

Dinaanan ang maraming harang at pagsubok.

Nabuo. Nalusaw. Nawala.

At hinding hindi na muling magbabalik pa.

#OneShot :)))))  



'Wag Lang MapunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon