Entry #5
Nahulog
Nahulog ako dahil siya ang tinitibok ng aking puso.
Nahulog ako kahit alam kong masasaktan lamang ako.
Nahulog ako ngunit walang sumalo.
Nahulog ako pero nananatiling matatag sa harap mo.
Nahulog ako at handang ialay maging buhay ko.
Nahulog ako ngunit ngayo'y pinulot mo.
Nahulog ako at tinulungang buuin ang nadurog kong puso.
Nahulog ako at muling natuto.
Nahulog ako at minahal ang isang tulad mo.
Nahulog ako at sinalo mo.
#HappyAgain
BINABASA MO ANG
'Wag Lang Mapuno
RandomCompilation ng mga Entries na tungkol sa mga intense emotions na aking naramdaman at naranasan o naisipan at napagtripan. In short HUGOT! :)