A/N: May munting palaro ako para sa fans ng ViceRylle dyan. Basahin na lang sa dulo kung ano iyon.
----------
Matapos ang aming Biology class ay nauna kaming nagsilabasan nila Vice, Billy at Jhong. Sa may pintuan ay may nag-aantay na lalaking halatang mas bata sa amin, mukha etong Koreano.
Vice: Ryan! Kanina ka pa?
Ryan: Hindi naman kuya, kadarating ko lang.
Iniabot ni Ryan ang isang plastic bag kay Vice.
Vice: Salamat ah. Ai eto nga pala si Khalil. Khalil si Ryan, kapatid ko.
Ryan: Hello Khalil! Idol na idol kita!
Nakipagshake hands sakin si Ryan. "Hello!"
Lumabas ng pintuan si Coleen, nakatungo eto. Sinundan naman sya ng tingin ni Ryan.
Ryan: Mga kuya, una nako.
Vice: Sige.
Nagmamadaling sumunod si Ryan kay Coleen.
"Mukhang love interest ng lil bro mo ang lab partner mo ah." sabi ko kay Vice.
Vice: Hehe oo nga.
Jhong: Paniguradong mahihirapan si Ryan dun. Takot ata sa tao yun eh, maganda pa naman sana.
I rolled my eyes. Eto talagang si Jhong walang masabing matino kahit kelan. "Dapat turuan mo ng moves yang kapatid mo, Vice."
Jhong: Haha! Eh sya nga hindi makaporma sa chick na gusto nya eh.
Billy: Wow! Bakit ikaw bro, wala ka din naman ah.
Jhong: Yabang mo naman porket improving ka na kay Georgina ha.
"Hay nako, kayo talagang mga lalaki. I mean..ka-kayo talaga ke lalaki niyong tao eh wala naman kayong sinabi pagdating sa chicks. Saka alam niyo imbes na magpayabangan kayo dyan eh suportahan niyo na lang ang isa't-isa." I said.
Vice: Ano kayo ngayon. Lagot kayo dito kay Master.
Sabay-sabay kaming nagtawanan.
----------
Ryan: Coleen! Coleen!
Sinabayan ni Ryan sa paglalakad si Coleen.
Ryan: Hi Coleen. *grins*
Coleen: Hi.
Matipid na sagot ng dalaga.
Ryan: Kumusta ka na?
Coleen: Okay lang.
Ryan: San next class mo? Hatid na kita.
Coleen: Ahm..pupunta pako locker area eh.
Halos hindi na marinig ang sinabi ni Coleen dahil sa hinhin at hina ng boses nya.
Ryan: Ah sige-sige samahan na kita.
Coleen: ..........................
Ryan: Ako na magdadala ng books mo.
Coleen: Wag na.
Ryan: Sige na para di ka mahirapan.
Coleen: No thanks.
BINABASA MO ANG
Gameplay
Fanfic--> ViceRylle, AnneRylle, ViAnne, and many more WEIRD but CUTE pairings Funny > Crazy > Lovey-dovey > Sossy > Goofy > Corny > Bitchy > Filthy > asdfhjkl!! Nuff said! Go start reading! And don't forget to hit the "VOTE" button if you like the story...