Part 1- Imiss my mom.

31 0 0
                                    

Nag mulat ako ng may luha sa mata... Halos halata mo na namamaga ito at medyo namumula ang gilid ng mata ko Na ikahahalata mo na Halos magdamag na umiyak . Mukang mag kakasakit pa ako. Pero Bawal dahil bukas ang Fisrtday of school. Sobrang Miss kuna ang mama ko.

"Bakit ngayon pa ?! " Ang nakapananakit na tanong mula sa isip ko.

Namatay ang mommy ko dahil sa PUNYETANG daddy ko ! Ayan diniinan ko ang words nayan tanda yan na HINDING HINDI ko mamapatawad ang ginawa ni daddy kay mommy .
Hinding hindi ko mapapatawad si daddy pati na ang Malandi pa sa manok na kabit ni daddy .

kung hindi dahil kay daddy . Hindi gagawing mag bigti ni mommy .
Kasalanan nya to. :\

Dalwang araw na nakalibing si mommy. Hindi ko kaya na nawala na sya . Wala nang makakaintindi sakin . Sa mga problema ko. Wala narin ang crying shoulder ko kapag may problema ako. Wala na lahat !

"Maam Jasmine . Ready na po ang dinner nyo " tawag sakin ng katulong namin na si manang Flora.

tumayo ako sa kama ko at humarap sa salamin. Pinunasan ko ang luha ko at nag ayos at lumabas na ako sa kwarto ko .

Nakita ko ang kuya ko na tahimik na kumakain sa lamesa . Umupo nalang ako sa tabi nya at pinag laruan ko ang egg and bacon sa Platito ko.

"Pagang paga mata mo. " May concern pa pala sya sakin ?

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa kanang mata ko .

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni kuya mula sa pag kakaupo . At dun na bumuhos ang kanina ko pa gustong pakawalan na luha .

Si kuya na kaya ang Pangalawa kong Crying shoulder ? Or Nag aalala lang sya sakin . Hindi naman sya ganto sakin. dati kasi kapag umiiyak ako . Inaasar nya pa ako. Pero iba ung ngayon. Parang niyayakap nadin ako ni mommy .

"Kuya . A-ang hirap. Diko mapapatawad si daddy. " sa pag kakaiyak ko . Halos Hindi na ako makapag salita .

"Makakaya din natin to jas. Tiwala lang . " sabi ni kuya na nararamdaman ko na umiiyak narin.

Hindi kuna nakain ang pagkain sa harap ko, dahil sa wala na akong gana. Parang gusto kuna din mamatay, pero nilalakasan ko loob ko.

Umakyat na ako sa taas para makapag pahinga . Halos ubos na ang mga luha sa mga mata ko. Halos wala na akonv mailabas na tubig mula sa mata ko.

Unti unti na napapapikit ang mga mata ko. Simbolo na inaantok na ako dahil sa pagod. Sa pag umiyak at mag isip.

Nagising ako dahil sa malamig na hangin na dumampi sa muka ko.

Tumingin ako sa Electric fan pero hindi ito bukas pati nadin ang Aircon.

Isang luha nanaman ang napakawalan ko, dahil alam kong si mommy yun. Ang mabangong  kasiyahan na naamoy ko. Ang amoy ni mommy.

"I miss my mom"

*****************

Hi guys.. sorry kung maikli. Haha .
Wag masyadong mag madali.
May next part pa naman.

Enjoy nyo lang pag babasa . ;')

Chiao ! :-*

-beybsforreal

"The Ghost Revenge"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon