MGID # 9

194 11 1
                                    

Chapter 9

'Jelly'

Nakatulala ako habang naglalakad papunta sa classroom ko. Hindi pa rin talaga ako makaget over sa pangalan na Jelly. If I could, I would have any fake name in this world, kahit panlalaki pa. Isa kasi iyun sa nickname na binigay sa akin ng mga pinsan ko dati, my legs are always like a jelly. Laging malambot kaya palagi akong nadadapa. Napakamot ako sa ulo ko at pumasok na lang sa classroom.

Natigil ko ng nagsisimula na nga pala ang klase. Inikot ko ang aking paningin at nakitang nakatitig silang lahat sa akin. "Miss Jelly, why are you late?" pinandilatan ko yung teacher at inambagan ang ere. Napasimangot na lamang ako at lumapit sa upuan nina Katrina. Nababadtrip ako.

First day pa naman.

"Nagtagal ka ata sa office?" nilingon ako ni LA at tinaasan ng kilay. Umiling na lang ako sa kanya at hindi na lamang nagsalita kasi badtrip pa din ako. Well kasalanan ko din naman iyun, hindi ko na isip na kilala ako ng Shining Blues at alam nila ang totoo kong pangalan.

Kung narealize ko lang sooner, ako na lang sana ang nagpalit ng sarili kong pangalan. Pwede namang Sunshine o kaya Rain? Umubob ako  at pinalig ang ulo ko sa tabihan. Napaatras ako ng konti at napatingin sa ilong na nasa unahan ng mukha ko. Napatingin ako sa mukha ng tao na ito at nakita duon si Kyle. Nakita ko kasi yung piercing nya.

Tinaasan ko sya ng kilay at sinabing, "Nandito ka pala sa class ko?". Nakita ko yung pag tawa nya. Itinaas ko na lang yung ulo ko at tumingin sa teacher ko na nakatayo lang sa unahan. Lumingon ako pabalik kay Kyle nung nagsalita ulit sya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan, Jelly?" tiningnan ko sya ng masama at pinalo ang bibig nya. Napatigil ako at tiningnan ang kamay ko, did I just did that? Ang lambot ng labi nya. "Jelly? You don't have to feel guilty, okay lang yun." nginitian nya ako.

"Pwede bang wag mo na lang akong tawagin na Jelly? Kahit anong nickname na lang," nginitian ko sya at naghintay ng sagot. Mukhang nagiisip pa sya. 

Nakita ko ang pagngisi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Are you sure?" tumango ako sa kanya bilang oo. "Then, tatawagin kita na Honey. So, hi honey you're back?" tanong nya sabay kindat sa akin. Napangiwi ako at nag-oo na lang ulit sa kanya. Okay na yung honey, basta wag lang Jelly. 

Natapos ang klase at isang subject na lamang ay uwian na. Matatapos na din ang unang araw ng school. Napabuntong hininga ako at pumunta sa sunod kong subject. Umupo ako sa pinakalikod at tumulog. Hindi ko alam kung bakit sa school masarap matulog kung may kama naman ako sa bahay. 

"Honey!" pumasok si Kyle ng classroom habang sinisigaw ang nickname ko na bigay nya. Nagpretend ako na parang tulog pa rin. Nararamdaman ko ang titig ng mga tao sa paligid. Sumilip ako patagilid at nakita ko sina Katrina na tinitingnan ako na parang nanunukso sila. Itinaas ko ang ulo ko at ngumiti ng lamang kay Kyle. 

Baka mapahiya ang lalaki. Student president pa naman. 

Lumapit sa akin si Kyle at umupo sa tabihan ko. "Pwede bang ihatid kita pauwi? Gusto ko sanang magmeryenda. What about fishball? Miss ko na din kumain nun." napaisip ako. Mukhang rich kid si Kyle pero hindi sya nadidiri sa pagkain sa labas. Napangiti ako. "So are you in?" nagsmile ako sa kanya. 

After school inaya ako ni Kyle sa sasakyan nya. Napanganga ako dahil pareho na pareho ang sasakyan nya sa sasakyan ko sa Korea. "Amazing huh? This is the same car that Kim Taeyeon has in Korea. I'm sure you know her, I'm her fan." nanlaki ang mata ko at tinitigan muli ang sasakyan.

Parehong pareho nga. Pati yung lettering sa likod ng sasakyan. May pangalan kasi ako sa sasakyan ko dun sa Korea. Hay miss ko na ang baby ko. "Of course I know her." yun na lamang ang sinagot ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya pumasok ako. Lalo akong napanganga nung pumasok ako. Pati yung upuan parehong pareho!

"Matagal na akong fan ni Kim Taeyeon, no one know this really. Well kamukha ng sasakyan nya ang sasakyan ko pero ikaw pa lang ang pinagsasabihan ko." nakita ko yung genuine smile ni Kyle. Mukhang fan nga sya ni Kim Taeyeon. Well hindi naman ako si Kim Taeyeon ngayon. Ako si J-jelly. Ugh. 

Nagdrive si Kyle for 10 minutes at nakadating kami sa isang street na puro pagkain. Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom. Inunahan ko na si Kyle at kumuha ng stick at baso at nagsimulang lumamon. Mhm, it's so good. Nakita ko ang pagtawa ni Kyle. 

Lumipas ang isang oras at nabusog na din ako. At mukhang ganun na din si Kyle. Naupo kami sa isang tindahan at umorder na maiinom. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Miss ko na ang pagkain dito sa Pilipinas. "Thank you for bringing me here, Kyle." 

Ngumiti na lamang sya. "Ihahatid na kita sa bahay mo. Where is your house?" napakagat ako ng labi ko at umiling. Paano ako makakatakas sa sitwasyon na ito?

"Siguro magjejeep na lamang ako dahil malapit lang naman ang bahay ko dito. Salamat sa pagkain na nilibre mo sa akin. I promise na ako ang manlilibre sa'yo sa susunod." ngumiti na lamang sya at hindi na namilit. I'm happt because of that. Kumaway na lamang si Kyle sa akin at nagpaharurot na umalis. 

Nung namake sure ko na wala na si Kyle, pumara ako ng taxi at binigay ang address ng bahay. Nagbayad ako at bababa nasana nung nakita ko sina Renz malapit sa bahay. Kinausap ko muna sandali ang taxi at tumingin kung nasaan sila. Nanlaki ang mata ko ng magsimulang magsuntukan ang apat. Binuksan ko ang pintuan ng taxi at patakbong pumunta sa gate. Sana hindi nila ako makita. 

Kailangan kong magpalit ng damit at maging Kim Taeyeon muli. Napabuntong hininga ako ng magbukas ang gate. Papasok na sana ako ng may narinig akong boses. "Fatima?" 

Nanlaki ang mata ko at napakagat ng ibaba ko. Unti unti akong tumalikod at nagbow. "Hello po mga sir. Sino po ang hanap nyo?" buti na lang at may back up plan ako. Hindi ako nakipageye contact kahit kanino sa kanila. Hindi ako panigurado na walang makakakilala sa akin. At magprepretend na lamang akong maid. 

"Nasa loob ba si Fatima?" nag-oo ako at binuksan ang gate para sa kanila. Nung nakarating kami sa sala pinaupo ko muna sila. Dumaan muna ako sa kitchen at kinuha sila ng juice. Inilapag ko iyun sa coffee table.

"Tatawagin ko lang po si Mam." naglakad ako patungo sa hagdanan at umakyat ng sobrang bilis. Ramdam ko ang tingin ni Gabriel sa akin. Kanina nya pa rin kasi akong sinusuri. Nung nakarating ako sa kwarto duon ako napabuntong hininga ng malalim. Kailangan ko ng magbihis.



Ms. GanDRUMMER in Disguise (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon