Chapter 5- ashame and starving

2 0 0
                                    

A/n hi! Meet Ylona, ang misteryosang p.a ni jinn. so eto napo ang continuation ng story, sana subaybayan nyo til the end..thanks. Ylona's POV yukong-yuko ako at nagmamadaling makalabas dahil sa kahihiyan, halos maiyak na ako at dahil nga sa nakayuko ako di ko na namalayan may nabangga na pala ako, "Ouch!" Hiyaw nito, magso-sorry sana ako pero di ko man lang masabi dahil natulala ako, Wow naman! Para syang si Zeus napaka gwapo, and that lips parang kay lambot parang ang sarap halikan and that eyebrows oh my gosh! So..perfect.. na interrupt ako sapagde-daydream dahil sa sinabi nya "Hey Miss i know masarap ako.. Obvious na masyado oh.. yung lawas mo tumutulo na.." natatawang sabi nito, kinapa ko ang gilid ng lips ko... Oh my! Nakakahiya.... tumalikod ako agad at akmang babalik sa set titiisin ko nalang ang gutom ko, pero di pa ako masyadong nakakalayo tumunog ng pagka lakas-lakas ang traydor kong tyan.. paglingon ko halos mangamatis na ang mukha ko sa kahihiyan, pano ba naman naka nganga si Mr. gwapo at magka halong shock at amazement ang mababasa mo sa pagka gwapo yummy nyang mukha, "Grabe ka miss ganyan pala ang epekto ko sayo? nakakagutom ba? hahaha" at tawang tawa sya di ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin. di na ako nakaimik sa sobrang kahihiyan, bigla nya akong hinila sabay sabi "tara! sabay tayong maglunch? gutom nadin ako eh." di ko alam kung pano nya ako napapayag basta't naka buntot nalang ako sa kanya, dinala nya ako sa malapit na resto. ang ackward ng feeling nag order sya ng marami, gutom na gutom ako pero nahihiya ako, one time pang tumunog ulit ang tyan ko, natawa sya "Here help yourself wag ka ng mahiya..i assure you each of these are very delicious." at nilagyan nya ng kanin at ulam ang pinggan ko, inumpisahan ko ng kain at talaga ngang masarap di ko namalayan halos maubos ko na ang mga naka hain, oops nakakahiya..plus sinabayan pa talaga ng pag burp ko, i wish tinamaan nalang ako ng kidlat, "you're one of a kind..hahahah" nasabi nalang nya at tumawa, nahawa ako sa tawa nya, "s-sorry hindi kasi ako nakakain simula kanina pang umaga eh.." paliwanag ko. nag kwentuham muna kami sandali at nawala na ang pagka ilang ko sa kanya ang bait naman pala ni Mr. gwapo, tapos nag time check ako omg! Mag aalas 3 na ng hapon baka gutom na si Sir Evil i mean si Sir Jinn, nagpa alam ako sa kanya at dali daling tumakbo. "uhm wait what's your name?" habol nya sakin magdalawang isip akong ibigay kaya nagbingi bingihan ako at tumakbo na papalayo.

My Bossy SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon