Ulitin natin yun

22.7K 127 1
                                    

''Hoy monic bakit nawala ka bigla kagabi?'' Bungad sa akin ni Rissa na nasa tabi ko ''At bat parang puyat ka? May ginawa kang milagro noh?'' Bigla kong naalala yung nangyari sa amin ni francis sa loob ng sasakyan niya.

*PAK*

Hinampas ko lang naman yung braso ni Rissa ng pagkalakas-lakas.

''Aray naman,Ang brutal mo huh !!''

''Manahinik ka nga dyan'' Antok pa talaga ako dahil anong oras na rin ako nakauwi kagabi dahil nga sa nangyari sa sasakyan ko,Naglakad pa talaga ako papunta ng school buti na lang at malapit lang to sa bahay namin hanggang ngayon kasi wala pa rin yung sasakyan ko.

''Sagutin mo na kasi yung mga tanong ko babae'' Nakapout niyang pagpupumilit sa gusto niya so dahil kaibigan ko naman siya ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari as in LAHAT-LAHAT !!

''WHAAAAAAATTTT??'' Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya at napasigaw.

''Hoy ano ka ba umupo ka nga'' Umupo naman siya at tumingin ng kakaiba sa akin

''May nangyari ba bukod sa kiss?'' Seryoso niyang tanong sa akin

*PAK*

Hinampas ko ulit siya ''Natural wala pa noh sira ka ba!!'' Asa naman siya na may mangyayari agad noh !!

''Mabuti naman kung ganun,Ano nga palang pangalan ng lalaki na yan?'' Pagtatanong niya ulit sa akin

''Francis Salazar'' Wala sa mood kong sagot sa kanya

''WHAAAAAAAAAT??'' Sumigaw nanaman ulit siya

''HOY NAKAKARINDI NA YANG BOSES MO HAH WHAT KA NG WHAT DYAN !!'' Pasigaw ko ring sabi sa kanya mabibingi na ako kaka what niya eh ! paano ko ba naging kaibigan ang babae na to daig pa ang aso kung mag ingay !!

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon