Walang pasok ngayon at nasa bahay lang ako kasama si Rissa,May sasabihin daw siya sa akin kaya pumunta siya dito.
''Ano yung sasabihin mo sa akin bruha'' Pagtatanong ko kay Rissa tungkol doon sa sasabihin niya sa akin.
Bigla naman nagbago yung expression ng mukha niya at napalitan ng lungkot at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin at umiyak.
Umiiyak ang babaeng sa paningin ko ay napakatapang at ayokong makita siyang umiiyak.
''Hoy bakit ka umiiyak?? Sinong nag paiyak sayo tara resbakan natin??'' Hindi lang talaga ako sanay na umiiyak si Rissa pero bigla akong nalungkot at ako naman yung umiiyak ng dahil sa sinabi niya.
''Aalis na ako sa pinas Monic'' Pagkarinig ko nun parang fountain yung mata ko dahil sa luhang sunod-sunod na pumapatak dito.
''Bakit kailangang pati ikaw iwan ako?? Please Don't go Rissa,Ayokong pati ikaw iwan ako.Ayoko talaga'' Niyakap ko siya ng mahigpit at pareho na kaming umiiyak ngayon pero siya kalmado lang yung pag iyak niya ayaw niyang ipakita na mahina siya. Kilala ko si Rissa matapang siya yan ang pagkakakilala ko sa kanya
''Kailangan Monic may sakit ang mommy ko at kailangan niya ako sa tabi niya'' Naiintindihan ko naman yun eh ayoko rin maging selfish dahil hindi naman ako ganun kaso di ko mapigilan na mapaiyak dahil sa buong buhay ko simula bata ako hanggang lumaki ako si Rissa na yung laging nandyan para pasiyahin ako at ipagtanggol sa mga nang aapi sa akin . ''Nandyan naman sina tita at lola para sayo eh kaya wag ka ng mag alala isa pa babalik naman ako eh matatagalan nga lang'' Pagcocomfort niya sa akin.
''Alam mong hindi ko sila tunay na parents Rissa'' Oo tama ang nababasa niyo hindi ko nga tunay na mama at lola ang mga taong kasama ko sa bahay na ito at may mga anak din si mama na sadyang ayaw sa akin at ang mga anak din ni mama ang mga taong nang aapi sa akin pasalamat na lang talaga ako dahil nandyan si Rissa sa akin, ''Di ba sabi mo tutulungan mo akong hanapin ang tunay na mga magulang ko?''
''Oo naman,Hindi ko yun nakakalimutan,Wag ka ng malungkot Monic hindi naman kita iiwan ng lubusan eh tatawag pa rin ako sayo at isa pa may skype naman eh ay teka lang wala ka nga palang cumputer o kaya laptop noh?? Napakamot tuloy siya sa ulo niya at nagkatinginan kami at sabay tumawa.
''Basta babalik ka huh mangako ka?'' Para akong bata sa ugali ko ngayon hindi ko lang kasi maatim na aalis na tong bruhang babae na to.
''Pangako''
>>>>>>
Kinaumagahan nagising akong namamaga ang mata at masakit ang ulo dahil sa kakaiyak. Napabangon ako ng di oras ng marinig kong tumunog yung phone ko at agad ko itong sinagot ng makita kong si Rissa yung nasa screen ng phone ko.
''Morning bruha'' Bati ko kay Rissa sa kabilang linya
''Ooh bakit walang GOOD yung morning mo??'' Akala naman ng babae na to manhid ako at akala niya di rin halata sa boses niya na umiiyak siya . tsk !! ''Aalis na ako mag iingat ka huh??'' Pagkasabi niya non narinig ko siyang humagulgol sa kabilang linya,Ngayon ko lang siya narinig na umiyak ng ganito at di ko na rin napigilan dahil napaiyak na rin ako.
''Sige na bye-bye na at Monic tandaan mo na dalaga ka na ok? Be strong girl'' Pagkasabi niya non ay nawala na lang bigla yung boses niya sa kabilang linya.
Si Rissa lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa nakaraan ko,Ampon lang ako ni Helen Fernandez at sa pamilya nila ako lang ang naiiba ng apelyido.
Sinabi ni mama helen sa akin ang totoo ng ako'y grade six pa lang na ampon lang ako ayaw kasi niyang maglihim sa akin dahil siguradong masasaktan lang daw ako lalo kapag pinatagal pa niya ang paglilihim nito sa akin. Nasaktan naman ako noon pero habang tumatagal natanggap ko rin yung totoo at napag pasyahan ko na hahanapin ko ang mga magulang ko kapag naka graduate na ako.
Iniwan lang ako ng totoong mga magulang ko sa pinto nina mama helen at may papel na ang nakasulat ay pangalan at yun nga ay ang pangala
Malapit na akong makagraduate two months na lang ang natitira sa last sem at makakagraduate na ako, Malungkot man dahil hindi kami sabay na makakagraduate ni Rissa pero masaya pa rin ako dahil alam ko nandyan pa rin siya para sa akin at hindi niya ako iiwan.
Ampon man ako darating din ang araw na makikita ko ang mga magulang ko at mayayakap ko sila ng mahigpit. Wala akong sama ng loob sa kanila dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo sila pa rin ang dahilan kung bakit may Monic Natividad na nabubuhay sa mundo.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal (ON HOLD)
Narrativa generaleSi Monic Natividad,isang babaeng may mukhang baby face na kinaiinisan niya kung minsan ay mahilig sa mga bagay na ipinagbabawal pa sa kanya kahit na nasa right age na siya. Makikilala niya ang isang Francis Salazar na magpapaibig sa kanya at mararam...