huh?? selos ??

15.8K 102 2
                                    

Nagtext ako kay Rissa na pupunta ako sa bar pero  hindi naman siya nagreply sa akin tsk !! Ano bang silbi ng cellphone niya at sa tuwing tinitext ko siya eh wala naman siyang reply sa akin sana tinapon na lang niya.

Nagbibihis na ako ngayon isang white sexy dress na backless ang isinuot ko at nagpaganda ng konti bago umalis papunta sa bar de ligaya.

Hindi ko alam kung bakit parang naeexcite ako na pumunta dun at makita ang lalaking nais kong makita ngayon.

>>>>>>

Ilang minuto lang at nakarating na ako sa bar de ligaya at nakita ko agad siya na nasa labas ng sasakyan niya at nakasandal dito. Ang gwapo talaga niya at sobrang hot pa!! Nakita rin niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin.

''Hi,pasensiya na kung natagalan ako'' Mukha kasing kanina pa siya naghihintay sa akin

''Hindi naman, tara na?'' yaya niya sa akin sabay abot ng kaliwang kamay niya sa akin,Inabot ko naman ito at naglakad na kami papasok sa bar.

Walang pinagbago sa loob ng bar kung ano yung makikita mo dati ganun din ngayon isa lang naman ang nagbago .. yun ay ang pumasok ako dito na hindi si Rissa ang kasama kundi isang lalake.

''Anong gusto mong inumin?'' Tanong niya sa akin ng makaupo kami sa isang table sa harapan ng mini stage kung saan may mga sumasayaw na babae nang nakahubad.

''White wine,salamat'' Yun lang yung lagi kong iniinom tuwing pumupunta ako dito .. Nalalasing din ako nun pero nagagawa ko pa namang makauwi sa amin ng buhay.

''Sige,just wait for me here huh'' Yun lang yung sinabi niya at umalis na siya para umorder ng maiinom namin.

Pagbalik niya may dala na siyang dalawang bote ng white wine na nakalagay sa bucket na punong puno ng ice cube.

''Here'' Inabot niya sa akin yung isang basong nilagyan niya ng wine at iinom na sana ako ng biglang magvibrate yung cellphone ko nakavibrate lang ito kasi kung  hindi siguradong hindi ko mararamdaman na may tumatawag na pala sa akin lalo na at nasa ganito kaingay na lugar pa naman ako.

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon