''Are you jealous?'' Tanong niya sa akin ng nakangiti
''huh?Selos?'' Nahihibang na ata ang lalake na ito bakit naman ako magseselos !!
''Nagseselos ka halata sa kilos mo'' Nakangiti pa rin siya pag hindi tumigil to sa kakangiti hahalikan ko to eh !!
''Manahimik ka'' Tatalikod na sana ako sa kanya ng bigla niya akong hawakan at hinila yung pocket na dala ko kung saan nakalagay yung foundation at kung ano-ano pa. Nakita kong binuksan niya ito at may hinahanap.
''Akin na nga yang pocket ko'' Sabay kuha ng pocket ko sa kanya kaso nakailag lang siya at patuloy pa rin sa pagkalkal ng gamit ko!! pakialamero !!
''I found it'' Sabay taas niya sa susi ng sasakyan ko
''Anong gagawin mo?? akin na nga yan ng makauwi na ako'' Pero imbis na sa akin niya iabot yung susi ko sa isang lalaking na naka toxedo niya ito inabot at may binulong dito.
''Hoy susi ko yan'' Sigaw ko dun sa lalaki na kumuha ng susi ng sasakyan ko,Pagkatapos siyang bulungan ni Francis ay bigla na lang itong pumasok sa sasakyan ko at pinaandar ito.
''Hoy ibalik mo yang sasakyan ko'' Pero useless lang ang pagsisisigaw ko dahil wala na talaga yung sasakyan ko !!
''Don't worry hindi ninakaw ang sasakyan mo,pinahatid ko na yun sa bahay mo dahil hindi ka pwedeng magmaneho ng ganyan dahil hindi kita papayagan'' Bigla na lang niya akong hinila pagkasabi niya sa napakahaba niyang speech.
''Sakay'' Utos niya sa akin pagkabukas niya ng front seat ng sasakyan niya,sumakay naman agad ako dahil wala na nga yung sasakyan ko di ba?!
Dali-dali din siyang sumakay at pinaandar na yung sasakyan niya at umalis na kami doon. Akala ko iuuwi na niya ako pero hindi pala dahil iba yung daan papunta sa bahay namin sa daan na dinadaanan namin ngayon.
''Hoy saan tayo pupunta?'' Nagtanong na ako sa kanya dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin
''Relax darating din tayo mamaya doon'' yun lang yung sinabi niya at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
Ilang minuto lang at nakarating kami sa isang lugar na punong-puno ng mga puno at bulaklak at sa gitna nito ay isang napakagandang sapa.
''Paano tayo nakarating dito?'' Tanong ko sa kanya,Hindi ko kasi namalayan at nakatulog pala ako
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal (ON HOLD)
Ficción GeneralSi Monic Natividad,isang babaeng may mukhang baby face na kinaiinisan niya kung minsan ay mahilig sa mga bagay na ipinagbabawal pa sa kanya kahit na nasa right age na siya. Makikilala niya ang isang Francis Salazar na magpapaibig sa kanya at mararam...