----->>> Monic Natividad on the right side oOh --->>>>
Kakapasok ko pa lang sa loob ng bar ng mapansin kong marami na rin ang nagbago dito.
Mas dumami na kasi yung mga tanga sa paligid na nakikita ko at mga babaeng nagsasayaw ng nakahubad.
Papalapit na ako ngayon sa isang lalakeng pamilyar sa paningin ko, umupo ako sa isang upuan malapit sa kanya at hinayaan ko siya na siya mismo ang makapansin sa akin kaso mukhang imposible dahil nakatalikod ito sa akin.
Napangiti ako bigla ng may isang tanga ang lumapit sa akin.
''Hi miss,are you alone?'' Tanong niya sa akin habang ngiting-ngiti sa harap ko at iniikot yung alak na laman ng baso niya, may itsura naman siya at masasabi kong ok na siya.
''Wala eh pwede kaba?'' medyo nilakasan ko yung boses ko para marinig niya ako at hindi nga ako nagkakamali dahil bigla siyang napaharap sa side ko at nagkasalubong ang mga mata namin.
Mukhang nagulat siya ng makita ako pero sisiguraduhin kong mas magugulat siya sa susunod kong gagawin, hinila ko yung lalake na nasa harap ko ngayon at bigla ko siyang niyakap.
''Payakap muna huh .. nilalamig kasi ako'' malambing kong sabi sa lalakeng ewan ko kung sino ba ito, naaamoy ko yung pabango niya at masasabi kong mabango nga ito pero hindi yun ang nagpapangiti sa akin ngayon kundi ang makita ang mga mata ni Francis na nakatingin sa amin habang nagyayakapan.
Si Francis Salazar nga ang lalakeng tinutukoy ko, matagal na kaming hindi nagkita at simula ng malaman ko ang totoo kay ate Melina ay ipinangako kung babawi din ako !!
(FLASHBACK)
Napansin ko si ate na napakasaya habang may kausap sa telepono na ewan ko kung sino at dahil sa gusto kong malaman kung sino yun ay lumapit ako ng konte para marinig ko ang mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal (ON HOLD)
General FictionSi Monic Natividad,isang babaeng may mukhang baby face na kinaiinisan niya kung minsan ay mahilig sa mga bagay na ipinagbabawal pa sa kanya kahit na nasa right age na siya. Makikilala niya ang isang Francis Salazar na magpapaibig sa kanya at mararam...