Monday

62 1 0
                                    

Drake POV

Monday.

Nakakabagot.

Nakakaimberna.

Walang magawa.

One week since nag simula yung klase. Senior year. 'bat ang boring? I look around me. Busy sila. Chismis doon. Chismis dito. Bakit wala pa si Ma'am?

"Drake!"
"hindi ako bingi kaya wag kang sumigaw." At humarap kay Sam. "problema mo?"

"hindi ko kasi ma-contact si Kheara." At nangalumbaba sa desk niya.

"baka deadbatt? Na-traffic sa daan na walang signal? Naka-patay ang phone?" sagot ko.

"kanina ko pa siya tini-text, tinatawagan, mini-message sa messenger, line, viber pero wala! Baka may nangyari ng masama dun! Draaaaaaaaakeeeeeeeeeee!"

"tigilan mo nga ako sa kayugyug mo Sam. Mag hintay ka nalang. Darating din yun. Wag paranoid."

"pero hindi naman yun na le-late eh!" para siyang batang nag ta-tantrums sa upoan niya -__-

"ewan ko sayo Sam" tumahimik naman siya at nag pipindot sa cellphone niya.
Ilang minuto pa dumating na si Ma'am. Natahimik rin sa wakas.

"Sorry I'm late class. Anyway, you have a new classmate. Please come in." at may pumasok na babae. Naka-poker face, emotionless, expressionless na mukha. Hindi mo mabasa kung kinakabahan o nahihiya siya. "Please introduce yourself."

"Xiara Racho. 15."

Yun lang? nag hintay kami ng susunod pa niyang sasabihin pero mukhang yun na nga yun.

"Okay? You may take your seat Ms. Racho." At nag lakad na siya patungo sa dereksyon ko. Sa likod ko nalang kasi ang vacant seat except sa upuan ni Kheara na nasa unahan ni Sam. Nag start na ng lesson si Ma'am.

Lunch break. Cafeteria.

"Drake wala parin si Kheara." Reklamo na naman ni Sam.

"Malamang absent?" sagot ni Carly sa kanya at umupo na sa table kasama ang boyfriend niyang si Freddie.

"eh bakit hindi siya tumawag o nag text man lang sakin?" walang katupasang maktol ni Sam.

"Chill lang Sam. Baka busy yun? O may emergency sa bahay nila?" sabat ni Freddie

"Bestfriend niya ako. Kahit ganu ka-busy yun she'll find time to text me! Drake! Nag text ba siya sayo?"

"Why me?" sagot ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Busy ako sa pagkain ko. Gutom ako. Pakialam niyo.

"Hello? Kasi M.U. kayo?"

"M.U. pinagsasabi mo?" tumingin ako sa kanya at inabot yung bottle of water niya at tinongga yun. "Painom".

"May magagawa pa ba ako e inubos mo na. Bilhan mo ako ng tubig!" iritang sabi niya sakin. Tumayo naman ako para bumili ng tubig niya kasi good boy ako. Pagkarating ko sa counter naabotan ko yung transferee na nag babayad. Tumingin ako sa dala niya. Bottle of water. Kumain na kaya to? Teka nga. Teka nga. Pakialam ko ba? Pagkatapos niyang bayaran yung tubig niya, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas siya ng cafeteria. Nang mawala na siya sa paningin ko humarap na ako sa counter at nag bayad.

The rest of the day turn out to be another boring day? Natapos na ang klase pero si Sam hindi parin matapos tapos sa pagmamaktol niya sa bestfriend niyang si Kheara. Hindi naman unusual sa isang studyante na mag absent diba? Pero kung si Kheara ang pag-uusapan, kung absent pa yun bukas unusual na talaga. Hindi naman yun mag aabsent unless it's a matter of life and death. Mag kaklase na kami since kinder at hindi niya gawain ang mag absent. Nag mamadaling umalis si Sam dahil pupuntahan daw niya si Kheara sa kanila. Tumayo na ako para makauwi na rin at napansin ko ang transferee na nakatayo na rin pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Katabi kasi ng bintana ang row namin. Nasa pintuan na ako ng classroom ng lingunin ko siya at ganun parin ang posesyon niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" sabi ko sa kanya kasi kami nalang dalawa nandito sa room pero parang wala siyang narinig kaya lumapit na ako sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya, hindi lang siya nakatingin pero more like naka titig siya sa labas.

"Ano ba yang tinitignan mo sa labas?" tanong ko sa kanya. Ilang segundo pa ang nakalipas at parang wala na akong makukuhang sagot sa kanya I turn my back on her.

"The Library"

Sapat na yun para lingunin ko siya ulit. "Library?" tanong ko at tumingin sa labas. Kita nga mula dito ang library building pero wala namang kakaiba dun.

"Sabay na tayo palabas ng school unless gusto mong magpa iwan dito at mag ghost hunting ka mag-isa." Sabi ko at tumingin naman siya sakin. Matagal din akong nakipag titigan sa kanya. Caramel eyes. She possess those. Napakurap ako nung nag lakad na siya. Sumunod naman ako sa kanya. Grabe ang tahimik niya. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa gate ng school at nakita ko naman ang sundo ko na naghihintay. Hindi pa kasi ako kumukuha ng drivers license kaya hindi pa ako pinapayagang mag drive. Tumingin naman ako kay Xiara, yung transferee, na nakatayo rin katabi ko.

"Need a ride home?" tanong ko.

"No."

sagot niya at pumasok na ako sa sasakyan. Bala siya jan.










~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~
Authors Note? Lol
Umu-authors ako eh' walang makikialam kundi sabunutan!
de joke
isa lang po ako sa bilyong-bilyong tao na walang magawa sa buhay kaya pagbigayan niyo na ako
Pasensya
(as if may mag babasa nito)

The LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon