The Academy President

21 0 0
                                    

Drake POV

Naabutan ko sa labas ng classroom si Xiara at Blake na nag-uusap.

"Morning" bati ko sa kanila. Hindi naman ako rude. Tinanguan lang ako ni Blake at tinignan lang ni Xiara. Siya ang rude saming dalawa. Pumasok na akong classroom at sumunod naman ang dalawa.

"Lumipat ka nalang kaya ng section Blake." Sabi ni Sam pagkarating namin sa upuan namin.

"Ha ha ha" sarkastikong tawa ni Blake.

"Hi Xiara! Good morning!" bati ni Freddie kay Xiara na lumapit samin kasama girlfriend niya at sina Brix at Yvonne.

"Close kayo?" tanong ni Yvonne kay Freddie.

"O nag fe-feeling close lang?" sigunda ni Brix.

"Ay grabe kayo. Close kami. Diba Xiara?" pag dedepensa ni Freddie sabay tingin kay Xiara. Si Xiara walang reaksyon. "Ginawa mo kaya akong driver nung isang araw." Giit pa niya.

Teka...

"Driver?" tanong ko.

"Oo! Pumunta kaming House of the Old nung sabado." Sagot naman ni Freddie.

"House of the Old?" tanong ni Blake na nakatayo lang sa likod ni Xiara.

"Nadaanan ko kasi siya kaya sinamahan ko na." Sabi ni Freddie.

"Babe nag presenta kang maging driver, hindi ka niya ginawang driver. Magka-iba yun." Sabi ni Carly sa kanya.

"Parehas lang yun babe." Sagot naman ni Freddie at umakbay kay Carly.

"Anong ginawa niyo sa House of the Old?" tanong ni Sam.

"Binisita niya si Nana." Sagot ni Freddie.

"Lola mo?" tanong ni Yvonne kay Xiara.

"No." tipid na sagot niya.

"Nana? Siya ba yung matandang babae na kasama mo nung nahanap kita?" tanong ko kay Xiara at tumango naman siya.

"Kindly fill us in?" patanong na sabi ni Brix.

"Nung araw na nawala siya, nahanap ko siya sa labas ng campus at may kasama siyang matandang babae who is Nana." Paliwanag ko.

"Anong ginagawa ng isang matandang babae sa labas ng school?" tanong ni Sam.

"It turned out na tumakas siya sa House of the Old." Sagot ni Xiara.

"What is she doing outside the campus? At dun pa talaga sa old gate mo siya nakita." Sabi ni Blake.

Nagkibit balikat lang si Xiara.

"Nakita rin namin si Ma'am Hinoguin sa House of the Old. Binisita rin niya si Nana." Puna ni Freddie.

"Magkakilala sila?" tanong ni Yvonne at nag kibit balikat lang si Freddie.

Natahimik kami bigla. Ewan ko rin kung bakit.

"Ehmm. By the way Sam, any news about Kheara?" it was Blake who broke the silence between us.

"Wala pa nga eh. Pumunta ulit ako sa kanila pero wala talaga." Depress na sagot ni Sam.

Isa pa yang si Kheara. Hindi ko na alam kung anong iisipin pagdating sa kanya. I tried contacting her pero wala rin.

"Hindi naman kami nag away nung last kaming magkasama. Wala naman siyang problema. Wala akong maisip na rason kung bakit siya nag drop out." Dagdag pa ni Sam.

The LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon