Class Picture

32 2 0
                                        

Brix POV

"Kailan natin sisimulan ang paggawa ng year book?" Tanong ni Yvonne sakin. Andito kami sa classroom. Kakatapos lang naming kumain ng lunch.

"Hindi ko pa alam. Mag me-meeting pa naman ang SSC." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Excited na akong gumawa ng yearbook!" Masiglang tugon niya.

"Excited ka ng mag picture sa 150+ na students?" Tanong ko sa kanya. Nawala ang pagiging masigla niya at nangalumbaba sa desk niya.

"Eeh Brix! Pwede namang hindi ako ang gumawa nun." Reklamo niya.

"Trabaho mo yun as a Vice President ng photography Vonn." Sabi ko sa kanya. Ang sarap niyang asarin minsan. Minsan lang ha' pag nainis kasi yan papatayin ka sa hampas niyan.

"Trabaho natin Brix! Natin! You as the President of photography!" Giit niya sakin. Natawa nalang ako sa kanya.

Nagsidatingan nadin ang mga kaklase namin. Tumahimik narin si Yvonne sa tabi ko. Napatingin ako sa transferee pagkapasok niya ng classroom. Simula nung dumating siya dito, naka-poker face lang siya. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti o tumawa.

"Matunaw yan huy." Napatingin ako sa katabi ko na may nakakalokong ngiti.

"Shut up Von-ne!" She frowned.

"Wag sabi akong tawagin ng ganyan eh! Silent e ang pangalan ko!" Maktol niya. Isa rin yan sa pang-aasar ko sa kanya. Y-von-ne. Ayaw niya na ganyan ang pag pronounce ng pangalan niya. It should be Y-vonn. Silent "e".

Kakatapos lang ng panghuling klase namin. Nag liligpit narin si Yvonne ng gamit niya.

"Bakit wala si Kheara sa class picture natin?!" Napatingin ako sa gawi nila Sam. Hawak-hawak niya ang class picture namin. Every year, in the first day of school, nakagawian na na magpa-picture ang buong klase.

"Are you sure? Patingin nga." Sabi naman ni Carly na tumitingin ngayon sa picture.

"Baka absent siya nyan?" Tanong ni Freddie. Tumingin narin siya sa class picture namin. Kasama rin nila si Drake na tumingin. Kami-kami nalang kasi ang nandito sa room at ang transferee.

"No! She's present that time! First day of school nga diba." Sabi ni Sam.

"Eh bakit wala siya dito?" Tanong ulit ni Freddie.

"Why don't you ask for the original copy of the picture?" Napatingin kaming lahat kay transferee. Ano nga ulit pangalan niya?

"Huh?" Takang tanong ni Drake sa kanya.

"The soft copy of the picture. I'm sure may copy ang photographer nyan." Explained ni transferee.

Nung mag sink in sa kanila ang sinabi niya tumingin sila samin.

"Brix! Ikaw ang kumuha nito diba?" Tanong ni Sam sakin habang pinapakita ang class picture namin.

"Nope." And I turned to Yvonne who is now looking at the picture.

"Camera ko ang gamit when we took the picture. I have a copy nandun sa photography room." Sabi ni Yvonne.

"Let's go! Tignan natin!" Sam said while dragging Yvonne with her.

"Dahan dahan Sam. Hindi naman aalis yung photography room." Reklamo ni Yvonne sa kanya.

Sumunod narin kami sa kanila palabas ng classroom.

"Xiara!" Napalingon ako sa sumigaw.

"Si Xiara lang ang tinawag ko. Lumingon naman kayong lahat. Xiara na pala ang pangalan niyo ngayon." Natatawang sabi ni Blake at lumapit kay transferee. Xiara pala ang pangalan niya.

The LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon