House of the Old

16 0 0
                                    

Freddie POV

Hindi pa rin ako makapaniwala na may underground ang school. I've been studying there since kindergarten. Ito na yung last year namin eh. It should be memorable before kami mag college pero hindi yung ganitong memorable. Yes I always fool around kasi gusto ko lang e-enjoy ang buhay. Syempre pagdating kay Carly seryoso ako. Mahal ko yun eh.

Ayaw kong isipin na nawawala nga si Kheara. Sa nangyari kahapun mas lalong nag-alala si Carly. Paranoid rin kasi si Sam eh. Hay ewan!

Nag dra-drive ako kaya wag kayong magulo. Saan ako pupunta? Hindi ko rin alam. Tanungin niyo si author. Sigurado ako nag iisip pa yun kung saan niya ako dadalhin. Busy si Carly. Kasama niya mama niya ngayon. Napatingin ako sa side mirror kasi parang may nahagilap ako na kakilala ko. Teka, si Xiara ba yun? Si Xiara nga. Umatras ako at nung nasa tapat na niya ang sasakyan I opened the window.

May tinitignan siyang parang papel na hawak niya.

"Pssst! Xiara!" she looked at me with her famous poker face.

"Going somewhere?" tanong ko at lumapit naman siya sakin at itinapat sakin ang papel na tinitignan niya kanina. It was an address at may House of the Old na nakasulat.

"Hop in!" sumakay naman siya sa backseat. "Dito ka sa frontseat. Parang ginawa mo akong driver kung jan ka." Lumipat naman siya sa frontseat at lumarga na ako.

"Are you always this silent?" I ask to start a conversation.

"It depends." Sagot niya.

"Depende sa taong kasama mo? Pwede kang mag ingay. Maingay rin kasi akong tao." I playfully said.

"Hindi halata." Sarkastiko niyang sabi.

"Ehhmm. Siguro maingay ka kung kasama mo mga kaibigan mo." Sabi ko. Ganun naman talaga diba?

"No." tipid niyang sagot.

"No? So tahimik ka ngang tao?" tanong ko.

"No because I don't know. I don't have any friends." Napatingin ako sa kanya. May ganun ba? May tao bang walang kaibigan?

"My dad and I move a lot because of his job. I always transfer schools so I avoid making friends as much as possible." Paliwanag niya.

"But why? Ang boring kaya ng walang kaibigan. No offense." Boring kaya nun.

"The empty feeling that you felt when you leave things. I don't like it." I can sense the bitterness of her words.

"Friends naman tayo diba? Ako, sina Drake, Blake, Carly, Sam, Yvonne at Brix. Kaibigan mo na kami." Sabi ko sa kanya pero hindi na siya umimik.

Minutes of excruciating silence has passed at nakarating narin kami sa House of the Old. Hindi talaga ako sanay sa tahimik lalo na't may kasama ako. Lumabas na ng sasakyan si Xiara at sumunod na ako sa kanya. Pumunta siyang information desk at kinausap ang in charge dun. Sino kaya bibisitahin niya dito. Lola niya? Lolo niya?

"It's you. Buti naman at naisipan mong bumisita." Sabi nung babae na lumapit sa kanya.

"Hello po." Bati niya na nakangiti. Oo! Nakangiti! Akala ko hindi siya marunong nun.

"Xiara po pala at Si Freddie classmate ko." Pagpapakilala niya samin.

"I'm nurse Luz. Tara puntahan natin si Nana." At sinundan namin siya patungo sa isang kwarto.

Ganito pala dito. Maingay kasi nga matatanda ang nandito. Parang bumabalik sa pagka bata ng personality nila. Pumasok na kami sa isang room at tumambad samin ang isang matandang babae.

The LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon